Wikisource tlwikisource https://tl.wikisource.org/wiki/Unang_Pahina MediaWiki 1.46.0-wmf.24 first-letter Midya Natatangi Usapan Tagagamit Usapang tagagamit Wikisource Usapang Wikisource Talaksan Usapang talaksan MediaWiki Usapang MediaWiki Padron Usapang padron Tulong Usapang tulong Kategorya Usapang kategorya Manunulat Usapan sa manunulat Pahina Usapan sa pahina Indeks Usapan sa indeks TimedText TimedText talk Module Module talk Event Event talk Banaag at Sikat 0 197 21787 2648 2026-04-18T08:47:44Z Flubertt 364 /* Talaan ng mga nilalaman */ 21787 wikitext text/x-wiki {{header | title = Banaag at Sikat | author = Lope K. Santos | section = | previous = | previous2 = | next = | next2 = | year = 1906 | notes = | categories = Tagalog | portal = }} <center>'''Lope K. Santos'''</center> {{Xxxx-larger|<center>'''Banaag at Sikat'''</center>}} <center>'''Maynila, S.P., 1906'''</center> {{page break|label=}} Wala nag karapat - dapat paghandugán ng iság katutuboğ buğa ng aking isip at kalooban , kundi ağ mga pinagkákautagan ko ng lalòg mabibisàg patabâ na nakapagpalusóg niyaríg mga likás at sarilig pananalig , na , ağ tunay na kabayanihan ay hindi nagága- náp kundi sa karurukan lamağ ng Baya'g Marálitâ. [[File:Lope K. Santos in a 1906 publication of "Banaag at Sikat" (cropped).png|thumb|160px]] Tangapín ninyó , mga Kawal ng Dálitâ , itóğ aki'ğ bayad - utag . Hagad ko sa paghahandog ağ ito'y inyóg mát utuha'ğ pakinabagan . Guni't kuğ hindi kayó mátututo , ipinalálagáy ko na gayón pa , na wala ako'g nagawâg anomán , kundî nağarap gâ lamağ sa pamamanaag at pagsikat ng Araw ng inyóğ Katúbusan. '''''Lope K. Santos''''' ''Disyembre 25,1906'' ===Talaan ng mga nilalaman=== *[[Banaag at Sikat/Pamagat|Pamagat]] *[[Banaag at Sikat/Paunawa|Paunawa]] *[[Banaag at Sikat/Kabanata 1|I: Sa Batis ng Antipulo]] *[[Banaag at Sikat/Kabanata 2|II: Sino si Don Ramon?]] *[[Banaag at Sikat/Kabanata 3|III: Salapi at Pawis]] *[[Banaag at Sikat/Kabanata 4|IV: Sa isang Pásulatán]] *V: Magnanakaw....! {{PD-Philippines}} hqb5w3v6kzd708p1nc2761h9akpc865 21791 21787 2026-04-18T09:50:51Z Flubertt 364 21791 wikitext text/x-wiki {{header | title = Banaag at Sikat | author = Lope K. Santos | section = | previous = | previous2 = | next = | next2 = | year = 1906 | notes = | categories = Tagalog | portal = }} <center>'''Lope K. Santos'''</center> {{Xxxx-larger|<center>'''Banaag at Sikat'''</center>}} <center>'''Maynila, S.P., 1906'''</center> {{page break|label=}} Wala nag karapat - dapat paghandugán ng iság katutuboğ buğa ng aking isip at kalooban , kundi ağ mga pinagkákautagan ko ng lalòg mabibisàg patabâ na nakapagpalusóg niyaríg mga likás at sarilig pananalig , na , ağ tunay na kabayanihan ay hindi nagága- náp kundi sa karurukan lamağ ng Baya'g Marálitâ. [[File:Lope K. Santos in a 1906 publication of "Banaag at Sikat" (cropped).png|thumb|160px]] Tangapín ninyó , mga Kawal ng Dálitâ , itóğ aki'ğ bayad - utag . Hagad ko sa paghahandog ağ ito'y inyóg mát utuha'ğ pakinabagan . Guni't kuğ hindi kayó mátututo , ipinalálagáy ko na gayón pa , na wala ako'g nagawâg anomán , kundî nağarap gâ lamağ sa pamamanaag at pagsikat ng Araw ng inyóğ Katúbusan. '''''Lope K. Santos''''' ''Disyembre 25,1906'' ===Talaan ng mga nilalaman=== *[[Banaag at Sikat/Pamagat|Pamagat]] *[[Banaag at Sikat/Paunawa|Paunawa]] *[[Banaag at Sikat/Kabanata 1|I: Sa Batis ng Antipulo]] *[[Banaag at Sikat/Kabanata 2|II: Sino si Don Ramon?]] *[[Banaag at Sikat/Kabanata 3|III: Salapi at Pawis]] *[[Banaag at Sikat/Kabanata 4|IV: Sa isang Pásulatán]] *[[Tagagamit:Flubertt|V: Magnanakaw....!]] {{PD-Philippines}} b4b90i5mub1w0uqa2rruutxcczo0h6y Banaag at Sikat/Kabanata 4 0 2470 21786 2026-04-18T08:46:27Z Flubertt 364 Nilikha ang pahina na may '<small>'''Banaag at Sikat''' (1906)</small> IV Sa Isang Pasulatan' 21786 wikitext text/x-wiki <small>'''Banaag at Sikat''' (1906)</small> IV Sa Isang Pasulatan cv5i52t1rj3isfcd8k7h2xefepwuro1 21788 21786 2026-04-18T09:23:10Z Flubertt 364 21788 wikitext text/x-wiki <big>IV</big> <big>Sa Isang Pasulatan</big> <small>"Cuarto poder" ang naging katawagán na sa mga pamahayagán: ikaapat na kapangyarihan; anupá't ang mga maglalathalâ (periodista) ay gumaganap na pang-apat sa katungkulang pagtataguyod ng bayan. Samantalang aní Ernesto Bark, ang mga peryodista ay siyang una- unang mangatatawag ng "proletarios de levita: " mga kapak na ang lamán ng tiyán ay bulak (hindî namán burak). Busóg sa káiisip, páminggalan ng lalong masasarap na salitâ, alaala saan mang anyayahan, pinangingilagang-kinasasabikán ng madlâ, samantalang parating hungkag ang bulsa, mahapding lagi ang tiyán at ang isang paá'y nakaumang tuwî na sa pintô ng Bilibid: itó ang mga manunulát, itó ang mga maglalathalâ.</small> <small>Dito pa ba kaya sa Pilipinas, na ang hilig at layà sa pagbasa ay bago lamang nag-uugát, hindî mangaging marálitâ ang mga taong iyáng kung mamuhunan sa buhay ay pawis na iginigitî ng kamay, noó at pusò, at kung magkábisalà pa'y ng buhay na rin nila at kapalaran!</small> <small>Batang-bata pa ang mga pahayagang pilipino, kung sa bagay; dátapwa't marami na rin ang manunulát na nagdaranas ng ganitong alangán at tiwalíng pamumuhay.</small> <small>Sa isang bayang walang sariling kasangkapang gamit sa paglilimbag, na ang papel, tinta, letra, mákina at patí ng káliit-liitang patalim ng naglalathalà ay inaangkat na lahát sa ibang bansa at ipinagbabayad na pawà ng matataás sa Adwana, at ang halaga ng páhayagán sa sambuwan ay hindî namán mangyaring mapataás sa kináugalián nang piso mula-mulâ pa, kundî mahanga'y lalong kailangang babaan, dahil sa kung pagtutuusin, ay ipinanunuyò mo pa ang basahin ka lamang; sa bayang ganyan, paano mang nasain, ay dî mátatamóng magkaroon ng maginhá-ginhawáng buhay ang isang mánunulát o maglalathalâ, lalo na't kung sa paglalathala ng kanyang mga hakà at salaysay ay naghahari sa loob ang adhikang mátuto at kátutuhan, at mapanganib na ang sarili makapagsanggalang lamang ng ibá, gaya ng hangad ng mga nangangahás sumagip sa isang kaawà- awang nalulunod.</small> <small>"Buhay-alamáng" ang sa mga pahayagán dito, kayâ "kumain- dili" naman ang karaniwang buhay ng mga sa pagkamánunulát na lamang umaasa.</small> <small>Aywan kung anó't ang mag-"periodista" pa ang pinakapiling sabihin ni Mabini, nang tanungin siya, pagkagaling sa Guwam, kung tatanggap ng katungkulan sa Pámunuáng nátatatág. Sa gayong kahirapan ng kanyang lagáy, ay ang pagkamánunulát pa ang námabuti at inaring lalong mahal na tungkulin sa pamamayan!</small> <small>Hanap-buhayin ang panunulat!...</small> <small>"Hindi kágaanan ang gawáng itó, ni dî sukat makaya ng marami,-anáng isang pantas at kasalukuyang pilipino tungkol sa buhay ng mga maglalathalâ nangangailangan ng mga pusong sadyâ sa anó mang pakikitunggalî sa hirap, ng katiyagaáng walang sawà at ng kasiglaháng walang bahid-takot. Ang gagawing ito ay napakatigás, mahigit pa sa bakal: o ang pamukpok ang sumusukò, o ang palihán, nguni't hindi ang pinupukpok: Hindî sukat makurò kung gaano ang mga pagtitiis, kung gaano ang naipapawis sa araw-araw. Samantalang gaano na lamang naman ang natatamóng ganti, pagkahamak-hamak, pagkámura-mura.</small> <small>"Saán dî ilan-ilán na ngâ lamang ang mapapahilig sa ganitong paghahanap-buhay, na kapatid ng di-kawasang mga dálitâ, gayóng nangápakarukhang ligaya lamang ang napapalâ: kinakailangan nilá ang pagkatangi ng mga banál at bayani; álalaóng baga'y maging katutubò na't sadyà sa ganyang pamumuhay. Mabuhay nang dî sa sarili kundî pará sa ibá, magsunog ng kilay, maghugos ng lakás at magtunaw ng utak, hindî upang yumaman ni mag-utos sa isang bayan, kundî upang makaliwanag sa nangaúulapang isip, makahawi ng mga dilím at kamálian, o makasugpô ng masasamang asal...anóng inam na katungkulan! Nguni't anóng damot namán! Títipirín ninyo ang mga sariling ginhawa upang maibigay lamang sa ibá; mátututo kayong magpawalang halagá sa sariling palad, upang ibá o ang kalahatan ang mákitang mapalad; itatabi ninyong madalas ang pag-asa sa maligayang bukas, ang pag-aaral, lahát na, upang kayó lamang ay mápain sa waláng puknat na pakikibaka, laban sa mga maling hinagap at kadiwaraan ng mga tao, pagbabakang madalás pang kayo ang matalo kaysa manalo, at kung magkábisalà pa kayo'y kakutyaán at maging bagsakan ng sisi at poót."</small> <small>Nguni't ito'y hindî sukat pakapagtakhan.</small> <small>Hindî ang Pilipinas lamang ang natatanging tumuntong sa ganitong guhit ng kabuhayan. Hangga't may bayan at may pámunuán, hangga't ang pahayaga'y bibig at tanggulan ng bayan at ang pámunuá'y kamay at kapangyarihan ng lakás, ang patiwaling palad na iyán saánman ng mga pahayagán at ng mga maglalathalâ (prensa at periodista) ay hindî magmamaliw ni mababawasan. "Ang maging marálitâ ang bayan at maging makapangyarihan, ay balintunang mangyari", aní Tocqueville. O gaya ng naging kasabihan ng isang matandang Tagalog, pagkahulaw ng mga himagsikan sa Kastilà at sa Amerikano. "Kailanman ang pinunò ay makapunò, kailanman ang pinagpúpunua'y makakulang."</small> <small>Ang tinatawag na bayan, hangga ngayon ay dili ibá kundî mga sabóg na lakás, anupá't tandâ pa lamang ng kahinaan. Ang manghimasok na sa kanya'y umakay at tumipon upang magawang isáng alagáng bigkis ng kalákasan, ay sápilitang makakapangagaw at mákakalaban ng pamunuang pinaka-katawan naman ng lakás na sa baya'y nagtatangan at nabubuhay.</small> <small>Wala nang matakaw sa ikabuhuhay ng sarili gaya ng mga pámunuán. Kayâ sínumáng makapagsusulsol sa mga bayang sa kanila'y tanging nagbibigay ng gayóng buhay, ay dî nilá matitingnan ng mabuting tingin, kundî ng isang pagtingin sa lalong mahigpit na kaaway. Kumampi sa bayan, ay para kang nangabáy sa isang murà at marupók na kawayan. Makipagtalo sa pámunuán ay pag-away sa lakás. Ang lakás ay kapangyariha't kasaganaan. Ang kapangyarihan ay katwiran. Ang kasaganaan ay ginhawa. Anupá't hanggang hindî nababago ang pagka ang baya'y tandâ ng kahinaan, ang ginhawa'y hindi mapapasa kanya, sapagka't hindî niyá hawak ang lakás; at sa bagay na ito, ang mga pahayagán at mánunulát, kapag talagang sasa- bayan din lamang, ay mapapalayô nang walang sala sa ginhawa at kasaganaan.</small> <small>Danga't marami nang bayani ng Sangkatauhán ang naka- pagpakilala sa pamamagitan ng pahayagán na hindi kailangan ang sariling ginhawa, na walang gaanong kasaysayan ang isang buhay, ang isáng dunong, tapang at kamag-anakan, hangga't may bayang nápaparoól sa pagkakatiwa-tiwalág at pagkakágupiling, disin walâ nang katakut-takot at pinakaiwas-iwasang hanapbuhay ang maraming tulad ng mag-periodista o maglathalà ng makapagpapamulat at makapagpapalakás sa násabing bayan.</small> <small>Marami rin ang sumusuóng. Hindi ipinangingimi ang magsa- gamugamóng nunugba sa ningas. Sila'y katulad niyang mga uód na nagpapakamatay na sa puno ng kahoy na kinakanan, upang maging patabá sa lupa at pampalago sa mga dahon at bunga ng halaman.</small> <small>Ang kaya ng isang bayan ay nasusukat sa buhay ng kanyang mga pahayagán. Kung nakikita sa isang bayan na ang mga pahayaga'y mamatay-mabuhay, mapapalad nang magkaroon ng isang libo't limáng daáng nagpapadala ang nagkákautang ay mahigit pa sa kalahati, ang mga papel ay parang basahan, ang mga titik ay parati nang wangis sa mga ulo ng pakò, ang mga pásulata't pangasiwaan ay bahagya nang magkadalawa o tatlong lamesang sulatán, at nakadádàlawá o iláng buwan pa muna bago makapagtapós ng bayad sa mga mánunulát sa mga kawani at sa mga manlilimbag... kung nakikita ang lahat na iyán, hindi na kailangan pang magpakaisip-isip upang mapagkilala at masabi na ang bayang iya'y bago pa ngâ lamang naniningaláng-pugad, kung baga sa isang binatang nagsisimulang makakilala ng kalupaán.</small> <small>Siná Delfin na ang magsabi. Sila ang makabibilang nang kung makáilán nilang marinig ang mga daing at pabaláng na mga pangungusap ng nangangasiwà o may-ari ng pahayagán niláng sinusulatan, tugóng madalás sa kanilang paglapit, kapag tapos na ang buwan at nagtatanong silá:</small> <small>-Mayroon na po ba tayo riyán?</small> <small>-Ah!...-kasunod na ang mga tatát, kamot sa ulo at kuskos sa tainga ng tinatanong na nangangasiwà-Marahil hanggang sa isang buwan na lamang ang buhay natin! Siyá na ang pahayagang ito! Mábabaón lamang akó sa kápapaluwál. Tignan ninyo ang sulat sa akin ng "corresponsal" sa K... Noong araw, hindi pa raw nag-aani. Nang makaani, ay bahagya na raw ang naputol na tubó, sapagka't inubos ng balang. Nang maasukal na, ay murang-mura naman ang pilón. Itong "corresponsal" sa B... Ayaw naman dikunóng magbayad ang mga dinadalhan doón, dahil sa mabuti nang makatanggap sa "Correo" ng sampung bilang sambuwán, at madalás pa'y minsanang apat o limá kung dumating sa kanilá. Itó pang isá ay nagsabi na ng totoong nasirà niya ang may apat na raáng piso, sanhi sa kanyang pagkakapagkasakit, palibhasà noong mga panahon ng "cuarentenas" ay di máipadalá, umanó, sa akin ang unti-unti niyáng násisingil. Walóng daáng pisong matunóg ang nasa kanyang pananagót!..Saán tayo susuót? Ang sa S... limandaáng piso ang utang. Ang sa I.... pito ang sa... kuwán, ay...inakú, nakasasakit ng ulo! Dito namán sa Maynila, ay maniniwalà ba kayong pati nang mayamang si Don Florencio sa Binundok ay humingi na tuloy ng baha dahil lamang nasabi sa kanya ng maniningil natin, na konant na ang ibabayad pagkatapos ng buwán? Sús! Kung saán na namán akó háhagilap ng máibibili ng papél o ng máuutangan... Wala akong magagawa sa inyo! Kunin na muna kahit itóng... limáng piso!...</small> <small>Ang mánunulát sa ganitong buwig ng mga dahilan ng nangangasiwà, at sa pag-aalaalang lalong mahirap ang walang mamukol sa kanilang bulsa kahit pípiso, ay mapipilitan nang tanggapin nang pápala-palatáw at búbuntu-buntong-hininga, ang ibinibigay na limáng piso, na para pang ipinagkakautang ng loob. Lilimáng piso ang uwi, ay mangángalahati na naman ang buwang kasunod ng di pa nabábayaran!...</small> <small>Bago napasa-Antipulo si Delfin ay nakarinig muna sa nangangasiwa ng Bagong Araw ng ganyang mga salita. Siya'y isa sa mga manunulat ng tinurang pahayagán. Sa paghingi at pag-alis na iyón, siya'y pinalad na di ang karaniwang limang piso lamang ang nákuha, kundi mahigit-higit pa: anim na piso, ukol pa sa buwáng tinalikdan. Ito ang buong baon sa Antipulo ng isáng mánunulát, ng isáng binatang sumunod sa anák ng isang Don Ramon Miranda pa namán!...</small> <small>Nakabuti ang kanilang pagkakasumangan niná Don Filemon sa batis, at nakapag-udyok sa kanyang maunang umuwi at huwag nang antabayanan sina Meni. Kung di'y nawili sana, at sa pagkawili disi'y inabot siya ng pamaligtaran ng bulsa at kalagután ng pisè.</small> <small>Sa sálitang ibábalità ni Felipe ang anumang magiging sabi- sabihan tungkol sa kanya ng nangaiwan sa Antipulo, si Delfin ay lumuwás nang hapon ding yaón.</small> <small>Mula sa sigalót sa batis, ay apat na umaga na ang nakararaan. Si Felipe ay di pa pumapasok sa Limbagan ng Bagong Araw. Siyá sa pahayagang ito ay manlilimbag naman.</small> <small>Ang nag-iisang umuwi sa Maynila ay parang naraanán na ng apat na buwán. Sa kanyang guniguní ay walang oras na di naghahálinhinan o sabay-sabay na lumiligalig ang mga sukat mahakang nangyayari sa Antipulo nang mga araw na yaón. Nálimutan na kaya nila ang poót sa isang nakatalong kampon ng Sosyalismo? Marahil. Ang Antipulo ay talagang áliwan. Sinasadya upang makapagpalimot sa mga kapinsalaan ng buhay. Hindi isang gaya lamang ni Delfin ang makapipigil sa mga típanan niná Don Ramon at Don Filemon at ng orkesta ng "Gran Compañia de Zarzuela" na noo'y siyang pinakamasipag na alingawngaw na nagpapaindak sa mga paá at katawan ng madlang nahihilingang marunong o maibiging sumayaw. Hindi siyám na araw na magsisimba lamang. Hindi siyám na umaga lamang maliligò. Siyám na araw at siyam na gabi rin namang magsasayawan, at magsasayahan nang ubos-kaya. Kung hindi ay anó ang kapararakan ng balitang Antipulo?</small> <small>Ang paggugunita ng lahat na ito ay siyá pang nagpapalalâ sa pagkainip ni Delfin sa di pagtanggap ng anó mang balità sa kanyang kaibigan. Tuwing umaga, araw-araw at oras-oras, pagdating na sa Pásulatán, ay walang ipinagtatanong sa mga manlilimbag kundi ang kung pumasok na si Felipe. Hindi ng hindi pa!</small> <small>Ikaapat na araw na ngâ, wala pa rin.</small> <small>Sa loob ng lilimahing dipang parisukát na kuwartong yaón. Pásulatán ng Bagong Araw, ay nagtataguyod ang isang katahimikang tulad ng sa mga libingan. Máliban sa nasasabit na reló na walang tahán sa tangi niyáng nálalamang salitang tik-tak, at sa banayad na lagaslas ng mga panulat sa ibabaw ng magagaspang na papél- páhayagán, sa loob na yaón ay wala nang iba pang alingawngaw na bumubukál. Ang makina sa lupa'y hindi kumikilos dahil maaga pa. Maminsan-minsang ang mga alingawngaw ng tuksuhan at sutsutan sa ibaba ng mga kahista, ay umaabot at bumubulahaw sa gayong katahimikan sa itaás; dátapwa ang pinto ng Pásulata'y laging nakatikom; ang mga álingawngawang ito'y hindi lubhang nakapipinsala sa anim na magkakasamang kawal ng panulat, na mámayáng mangápatingalâ, mámayáng mangagkátinginan, kung minsa'y mangagkátanungan, madalás na mangakipag-usap sa papel din nilang sinusulatan, sampung mga kamay ay napapakumpas. na parang nagtatalumpati, nguni'y mga wala ring likat sa kanilang pagsulat, gaya ng mga kawal ng hukbong hirati na sa pagdinig ng mga putukan.</small> <small>Paayon sa isang panig at sulok ay nag-iisáng tungung-tungo sa kanyang sulatán ang namamahala ng pahayagán. Sa gitnâ-gitna'y dalawang magkarugtong na lamesang kinahahanaya't kinapaghaharap- hárapan ng limá pang kasama.</small> <small>-Ilagay ba natin ang balitang ito?-ang tanong ng isang lumingon sa sulatan ng namamahalà.</small> <small>-Anóng balità iyán?-ang usisà naman ng tinanong.</small> <small>-Náritó sa Manila Times na ang Abugado Pereyra ay pinigil sa kanyang katungkulan ng Corte Suprema, sa kasalanang pagdaraya sa iláng nagkatiwalà sa kanya ng usapin.</small> <small>-Si Pereyra'y hinatulan na? Napahamak!.... Hintay, huwag ninyo munang ilagay, antayin natin kung ilalagay iyán ng ibang kapahayagán!</small> <small>-Ito namang isá! Ang asawa raw ni Dr. Barbosa ay natutóp kahapon ng hapon sa bahay ni Dr. Kaligaya, at kaunti nang magkámatayan. Kay-inam na balita nitó!</small> <small>-Ohó?-ang sáluhan, hindi ng namámahalà lamang kundi ng halos lahát na mánunulát.</small> <small>-Sabi ko na'y may mararating din!-ang saló ng isá.</small> <small>-At bakit, dati mo bang nálalaman iyán?</small> <small>-Nakú! Sa silong na rin ng Corte Suprema, isáng araw, ay nárinig kong pinag-uusapan iyán nina Abugado Verzosa at Pamintuan. May isang buwan na ngayon, at noon pa raw nagsangguni na kay Pamintuan si Dr. Barbosa, kung ano ang mabuting gawin niya upang matutóp, at kung matutóp na.</small> <small>-Kayganda nga naman ng asawa ni Dr. Barbosa!-ang náihimutók ng namamahalà.-Ay anó, totoo nga kayang natutóp na? -Siyang sabi nitong El Progreso.</small> <small>-Huwág, huwág at.... puri iyán! Kaawa-awà namáng málathalà ang isang bantog na Doctor na maysungay. Kung bagama'y sambit lamang at huwág ilagay ang kanilang mga pangalan.</small> <small>-Bakit ba huwág?-ang pakli ni Delfin.</small> <small>-Pagbigyan natin ang masasabog na kahihiyán nilá!-ang payo ng isang kasama at katapát sa uupán ni Delfin.</small> <small>-Pagbigyan!-anitó dahil ba sa yaóng isang magdarayà ay abugadong bantog at itong nangagkátutupang ito'y mga bansag namáng doctor at doktora? Hindi ko malamang gawa ang atin! Bakit sa munting may malaman tayong isang taong mahirap na nakapanuba sa isáng tindahan o ng isang alilang nakapagnakaw ng isang reló o kaunting salapi sa kanyang panginoón, o kaya'y kung may dampå na ginaga ng isang Amerikano, o isang babaing asawa ng isang anluwage na nahuli sa pakikiapid sa ibang lalaki; bakit madali at walang paku- pakundangan ang mga pahayagan sa paglalagdâ ng buong nangyari, na marahil dagdagan pa't palabukan ng mga pangutyang salita, sam- pung mga buo nilang pangalan, gulang, kamag-anakan at kabuhaya'y inilalagay?</small> <small>--Náritó na naman angg abugado ng mahihirap ang tuya niyon ding katapát.-Kaibigan, lo cortés no quita lo valiente!</small> <small>-Ah, siyá ngâ!</small> <small>-Kaya rin lamang di ka makasundo ng iyong bibiyananin, ay diyán din sa di mo pagka-marunong magbigay at magpakundangan sa mga dapat pagpakundanganan.</small> <small>-Siyá na nga kayo! Talagang ganyan na ang nakaugalian ng mga peryodista: dalá pa natin yaóng sa mga pahayagang kastilà. Pati paghakbang, paghihikáb, pagbabahin, kaunting lagnat, malakas na pagkain ng isang hari, isáng makapangyarihan o ng isang mayaman, ay inilalathala na ng malalaking titik. Pag mataas-taas na ang tungkulin o mayaman-yamán, ang nahulihan ng yuta-yutà mang pisong hindi kanya, ay inilalagay na hindi nakaw, kundi napagkámalán lamang. Kapag napataás pa sa tungkulin ang isang pinuno, na nakagawa ng isáng mabuti-buting gawa, kung sa bagay katungkulan niya ito, sapagka't binabayaran siyá ng di-biru-birong salapi, siyá, sigawan na ang mga pahayagán, at ipamamansag pa ang tinurang puno ng gaya ng pamamansag ng mga busabos sa ipagkákapuri ng kanilang panginoong pinanúnuyuan. Kayhalay!... Bakit hindi ang masama'y masamain at ang mabuti'y mabutihin, saan mang bikas makita? Ano't pagtatakpan ang masamang gawa ng mga abugado, doktor at doktorang iyan, dahil lamang sa may tungkulin o may yaman?...</small> <small>Ang mga salitang ito'y hindi na nadugtungan ni Delfin, ni hindi na rin natugon ng ibá, sapagkat siyang pagsungaw sa pinto ni Felipe. Sa isang hudyat kay Delfin ay dali-daling nagtindig itó, biglang nakalimot sa pinagtatalunan nilang magkakasamahan at sinayahan ang mukha, katulad ng isang nabunutan ng pako sa dibdib.</small> <small>-Ayán na ang balitang mailalagay natin!-ang patuksong salita ng isang kamanunulát na nároó't nakakaalam ng lahat-lahát na mga láguyuan niná Delfin at Felipe tungkol kay Meni, at nakatatalastas ding ito'y naiwan sa Antipulo.</small> <small>Pagkakindat sa kanya ni Delfin, na sinundan ng isang kagát-labi ay nagpatuloy na sa labás, na halos niyapós ng kaibigang ang bagong dating.</small> <small>9884</small> <small>-Anó, anó ang balità? Náritó ka na palá! Ngayón ba lamang umaga? Silá? Naaalaala pa ba ako niná Don Filemon?</small> <small>Sa isang piling na mga tanong na ito ng sabik na dinatnan ay minsanang isinaló ni Felipe ang:</small> <small>-Oo, naritó't may sulat sa iyo!-at may iniaabót.</small> <small>-Sulat!... At siya?</small> <small>-Doon pa sa Antipulo iyán ginawa kagabi, nang mapagkayarián kahapong kami'y uuwi na ngayon.</small> <small>-Wala pa kayóng siyám na araw.</small> <small>-Walâ pa, nguni't inabot na silá ng inip, dahil sa kauulan sapúl pa kamakalawa.</small> <small>Hindi magkantututo halos kung saán pupunitin ang "sobre". Hindi niyá ugaling iwalat ang tungkol nanggagaling kay Meni, sampung mga balot ay iniingatan niyang malilinis. Madalas na kundi babarin sa laway o sa tubig ang pagkakádikit ng bukasan, ay ginugunting pa mandin nang buong ingat ang pinakaibabaw na gilid upáng madukot na buo ang lamán at buô rin sampún ng balutan. Buhat nang makasulatán si Meni ay iyón pa lamang ang ikaapat niyang natatanggap na liham, bagamán ang náipadadalá nang ganang sulat niyá namán, ay marahil higit pa sa sampu, bukód ang mga ginupit na tulâ o salaysay sa pahayagán na kay Meni ay kanyang ipinatutungkol at palihim na ipinadadalá, kinabukasan ng pagkalathala. Si Meni ay maramot na talaga sa pagsagót. Sa mula-mulâ pa'y nakatatlo munang sulat siya, bago pinapagtamo ng unang kasagutan. Kailanma'y hindi nagkusang sumulat kay Delfin, na paris ngayon. Sa katotohana'y wala pa namang sukat na ipaging katungkulan na niya ang magkusà.</small> <small>Pagkabukás ng balot, ay nag-unahan halos sa pagtunghay ang mga mata ng dalawa. Binasa ni Delfin at ganito ang nasasaysay:</small> <small>"MINAMAHAL KONG KAIBIGAN:-</small> <small>"Nálaman ko agad kay Felipe na noon ding linggo ng hapon, ikaw ay umuwi na sa Maynilà. Nang gabi ring iyon ay nalaman ng tatay ko, ang nagsabi nama'y si Talia, sapagka't aking nasabi sa kanya pagkaalám ko.</small> <small>"Hangga ngayo'y totoong mabigat ang loob sa iyo ng aking tatay, at gayón din ang mag-asawa ni Don Filemon.</small> <small>"Másasabi ko at huwag mo namang pakadamdamin, na si Ñora Loleng ay nagsalita sa aking ikaw raw ay hindi ko na dapat tanggapin sa bahay, pagka't isang binatang... (di ko na sasabihin dito at bakå magalit kang totoó); nguni't sinalá siya sa pagsasalita ng kanya ring anák na si Isiang, na siyá mong naging tagapagtanggol sa aming pag- uusap.</small> <small>Hindi pa nagkásiya sa akin si Nora Loleng, sa paghahapunan noong martés ng gabi, ay naungkat ka na namán, at sa tatay, sa harap- hárapan namin, sinabing ikaw ay alangáng magpapanhik sa aming bahay. Nagkákatusak na raw ngayon ang peryodista at abugado kaya patí si Yoyong ay nasaktan.</small> <small>"Sinulat ko ito dito pa, nang pagdating namin diyan sa Maynila, ay karaka-rakang maibigay sa iyó ni Felipe, at nang huwag ka namang magkámaling pumanhik sa amin ngayong mga araw na itó.</small> <small>"Ang tatay ko ay nadadala ng sulsol at napagsabihan na akong huwag niyang makikitang makipag-usap sa gaya mong anarkista... Hindi raw malayong ikaw rin balang araw ang magsusukab sa kanyang buhay. Bakit ka ba tinawag na anarkista? tunay ngâ bang anarkista ka?</small> <small>"Hanggang dito, at inuulit kong huwag ka na munang sasalubong sa aming pagdating; anumang ibig mong sabihin sa akin ay ipasabi na lamang kay Felipe o isulat agad, tuloy pag-utusan ng makakaya itong iyong kaibigan.</small> <small>MENI."</small> <small>Alangang mapangiti, alangáng mápahimutók si Delfin sa nábasang sulat. Nagtamà sa isang kisáp ang mga mata ng dalawang magkaibigan, na tila bagá sa noó ng isa't isa'y may ibig silang basahin.</small> <small>-Anarkista akó!-ang pagulumihanang nasabi makasandali.- Tignan mo ang iyong ninong kung nálalaman ang kanyang sinasabi! -Anó ang muwáng niyón sa kaibhan ng Anarkismo sa Sosyalismo!-ang náwikang papshé ni Felipe.</small> <small>-Hindi raw malayong ako ang magsukáb sa kanilang buhay! Ito'y paratang na may maanghang na lamán. Ibig nilang ilarawan akó sa kapahatán ni Meni, na isáng taong kakila-kilabot, karumal-dumal, walang kaluluwa at mamamatay. Ganitó aug akala nila sa huwag di másabing anarkista!</small> <small>Oo, ngâ!-ang dugtong ni Felipe ang Anarkismo sa kanilá ay pagpatay na ng tao. Hindi nilá nababatid na di lahát ng anarkista ay gumagawa nang ganitó. At tangi-tangi lamang ang mga ginagapas na buhay. Natatakot sa isang bagay na bunga rin ng kanilang kabuhayan. Nagsisigawa ng multó at silá ang unang nangatatakot. Tila bagá magkakaroon ng poót ang mahihirap kung walang lupit ang mayayaman. Tila magkákamagnanakaw, kung walang kanya-kanyahan ng pag-aari. Mákikila-kilalá mo ang mga taong may kasalanan, sa anino nilá rin ay nangingilabot!...</small> <small>-lyán ang lakás ng gunamgunam!-ipinayo ni Delfin.-Nguni, kaibigan, diyata't anarkista na akó ngayón? Ha, ha, ha! Kaydadaling magpalakad ng araw. Patí panahón ay ibig niláng mapagharian...Si Meni, ano naman ang sabi-sabi sa iyo sa lahat ng iyán? nagagalit din kaya sa akin? wala na bang ibang bilin?</small> <small>-Noong linggo rin nang gabing umuwi ka na rito, kami'y nagkausap sa bahay niná Bautista doon sa Antipulo.</small> <small>-Bautistang...</small> <small>Mga taga-Santa Cruz. Nagkásayawan doon hanggang ha- tinggabi. Kaming dalawa ni Meni ang sa makalawang rigudón ay magkaakbay. Ang isá raw niyon ay patungkol sa iyo... Bihirà ring hindi kami ang di magkalibad sa mga valse at two-steps. Pag kinuha ng ibá, ay itinuturò akong parating napangakuan na niya. Waring nárinig ko tuloy na búlungan ng anak na bagung-tao ni Bautista at niná Bentus, na tila raw ako'y papaano na kay Meni.</small> <small>-Bakâ ngâ namán kung ano na ang ginagawa mo sa akin! ibinirò ng mánunulát.</small> <small>Nagkatawanan nang malakas-lakás ang dalawá, na narinig hanggang loob at ikinapagtikiman pa nang parinig din.</small> <small>-Huwag ka ba sanang mapanibughuing totoo. -Hindi siyá sumayaw minsan man sa ibá?</small> <small>-Maminsan-minsan at sanda-sandali ring náisayaw ng ibá, anupa't bigay-loob lamang. Paanong di gayo'y mayroon kaming matalik na pinag-uusapan, ikaw na ngå.</small> <small>-Diyatà?</small> <small>-Maniwalà ka. Iyán ding mga nasa sulat ang noón pa'y ipinakakatagubilin na sa akin, máliban iyáng mga pinagsabi ni Nora Loleng na ngayon ko lamang natalastas... Nakú! nákita mo sana ang di kaugaliang mimika roón ni Nora Loleng, nang sumayaw sila ng amáng-kumpil ko. Kay... kiring matandâ!... Pagkaalám ni Meni na noón di'y umalis ka, ako'y sinisi kung bakit daw hindi kitá sinamahan. Kaawa-awa ka raw naman! Nang tayo ay lumalabas na sa batis, siyá ay mapapaiyák sa habág sa iyó, kaya't madaling nasok sa páliguán. Ibig niyang kinabukasan ay sundan na kitá, pinapagdadahilan akó kay tiyó Ramon, na maraming gawa sa Limbagan. Malungkot ka raw sa pag-uwing mag-isa!</small> <small>Bakit di ka nga naman umuwi pa?</small> <small>-Unang-una napuyat kami nang gabing yaón, ikalawá ay may nákayayaan akong umahon kami noóng martés ng umaga sa Talbag. Saka nakabuti naman ang di ko pagkauwi agad, sapagka't disin hindi ko nápagdirinig ang mga sálitaan nilá tungkol sa iyó. Pag ako'y náhaharáp, ay di ka lubhang pinag-uusapan niná Don Filemon, Nora Loleng, tiyó Ramon, Madlang-layon at iba pa.</small> <small>-Mga sukáb!</small> <small>-Pakinggan mo ang salitaan nila sa iyo.</small> <small>-Bayaan mo na iyán at sakâ natin pag-usapan. Ang sabihin mo ngayo'y anu-ano pa ang bilin ni Meni bago ka pumarito.</small> <small>-Doon pa sa Antipulo, kanginang papalakád na kami, ibinigay sa akin ang sulat na iyán. Nang kami'y nasa daán na, silá'y sa automobil at ako'y sa kalesa, ay ikinindat sa akin at inihudyat na baka ko malimutan ang pagbibigay sa iyó. Nang nasa-bahay na silá at ako'y nasa-lupà pa't pinakikialaman ang pagpapababa sa karitela ng mga dalá-dalahan namin, ay dinggin mo ang sigaw sa akin mula sa bintanà. "Felipe, anya, iwan mo na iyán sa kanila at totoong tanghali ka na sa pagpasok!" Sakâ sinundan ako ng isáng tinging may kahulugan. Anó pang tandâ ng pag-ibig ang nais mo, kasama?</small> <small>Anaki'y iniáakyat sa langit si Delfin sa paglanghap ng gayong masasamyong balità. Nguni, katulad ng isang maysakit na hinahainan ng mga pagkaing sari-sari at masarap na halos itulò ng laway, dátapwa'y pawang di rin nakasisiyáng-loob at tila may hinahanap pang isang tanging lutò na walâ sa mga inihahain, si Delfin ay napapailing di't napapalabi, na anupa't di man nagsasalita'y nahalata ni Felipeng may ibig sabihing: "Oo" ngâ, nguni't...!</small> <small>-Anó pang oo ang hanap mo?-ang sa ganito'y naipagpatuloy ng nagbabalitang kaibigan. Ang pag-ibig ng isang babae ay hindi lamang sa sagót na oo napagkikilala. Maraming oo ang naging bulà lamang at asó. Hindi parating kailangan na sabihing lantaran ng babae ang "Tinatanggap ko ang pag-ibig mo" o kaya'y ang "Oo, umasa ka na," upang mapagkilala ng isang gaya natin kung tayo'y may pag-asa na. Lalo na sa mga dalagang tagalog, ang tunay na pag-ibig ay di karaniwang sa dulo ng dilà nákikita nang buúng-buô, kundi sa matá, sa pagdaramdam ng ating mga karamdaman at sa pagpapakaingat na sila'y mabigla sa pag-irog.</small> <small>-Oo nga, kasama, nguni't hindi mo máiaalis sa akin ang hangga't hindi ako nakapagtatago sa puso ng isa niyang malinis na sagót, maging sa sálitaan at lalong magaling sana kung sa sulat, sagót na hubád na sa mga balot ng alapaap, sagót na kasingningning ng busilak, na munti ma'y walang bahid ng paglilihim, sagot na sa paglasáp ng buhay ko ay walang mananamnam na ibá pa liban sa dalisay na tamis ng pag-asa... anumang sabihin mo, ay tila hindi makapagpapapanatag at makasisiya sa mithi niyaring loob. Pagkuru- kuruin mo ang aking buhay at lagay at ang buhay at lagáy ni Meni. Gaanong agwat! Isama mo pa riyán ang pagkakamábigatan namin ng kanyang amá, na sa akala ko, kailanma'y di ko mababagayan, sapagka't habang siya'y tumatanda, ay lalong nag-uuban ang kanyang pagyakap sa buhay-mayaman, at habang ako nama'y gumugulang, ay lalong nagtitibay ang pananalig ko sa Sosyalismo... at mapagkikilala mo ang aking pinanghahawakang matwid, kaya ganito na sa pag- aagam-agam sa Mening iyán.</small> <small>-Aywan ko sa iyo, ikaw ang bahala sa iyong pag-aalinlangan ... Dátapwa't, kaibigan, napag-usapan natin ng ganitong katagal si Meni mo lamang, hindi mo na ba namán akó tátanungin kung ano ang aking maibabalità sa iyo tungkol kiná Tentay, na nakita ko rin sa Antipulo?</small> <small>-Ohó? Anó ba ang nangyari sa inyo?</small> <small>-Noóng Lunes...</small> <small>-"Original! original!"-ang sigawan ng dalawang kahistang umaakyat sa hagdanan.-Mang Delfin, A las diez y media na pô, ay wala pa tayong articulo de fondo! Felipe, ngayon ka lamang dumating ay pang-aabala na sa mga "redactor" at sa amin ang ginagawa mo! ang tukso pa ng isang bagong panhik.</small> <small>-A las diez y media na palá! Ang panabáy na nabigkas ng dalawang nag-uusap, na kapwà nakapaghagis ng tingin sa nasasabit na reló.</small> <small>-Mámaya na ang ayon ni Felipe.</small> <small>At saka pa lamang nagkahiwalay ang magkatoto: isa'y nasok sa Pásulatán, na pinagtanunganan ng mga kasama, kung ano ang balità, at ang isa'y nanaog namán sa Limbagan, na pinagtuksuhanan ng mga kasamang kahista tungkol sa di na lihim sa kanilang pagka-tagahatid balità kay Delfin.</small> 7h5unnv9a4t5nhuh8xattfsugc4utfy Tagagamit:Flubertt 2 2471 21789 2026-04-18T09:47:25Z Flubertt 364 Nilikha ang pahina na may '<big>V</big> <big>Magnanakaw....!</big> -Diyán ka tumayo, sa tapát ng dungawang iyán! Dumahák ka o kaya'y mag-ubú-ubuhan, yaong ang tinig mo'y huwag bagáng mákilala ng ibá, nguni't makilala niya. Siya'y susungaw; kung mapagsiyá ka na, ay asahan mo't pápanaog dito sa pintuan, magkakausap kayó. Ganitó ang aming pinagkásalitaan kangina. -Dito na ba? at ngayong oras nang ito? -Oo; mag-ingat ka lamang sa nangagdaraang tao, lalo na sa pulís. -Kung hi...' 21789 wikitext text/x-wiki <big>V</big> <big>Magnanakaw....!</big> -Diyán ka tumayo, sa tapát ng dungawang iyán! Dumahák ka o kaya'y mag-ubú-ubuhan, yaong ang tinig mo'y huwag bagáng mákilala ng ibá, nguni't makilala niya. Siya'y susungaw; kung mapagsiyá ka na, ay asahan mo't pápanaog dito sa pintuan, magkakausap kayó. Ganitó ang aming pinagkásalitaan kangina. -Dito na ba? at ngayong oras nang ito? -Oo; mag-ingat ka lamang sa nangagdaraang tao, lalo na sa pulís. -Kung hindi akó máramdamán o mátanáw? - Máraramdamán. Nakahapon na kami. Lahát silá halos ay nasa salas, pati ng mga panauhin. Siyá lamang ang walang salang nasa kuwarto na't nag-aantay ng anó mang kaluskos o hudyat sa may bintanà. Mag-iikawalóng oras na't kalahati. Sa anó't anó ma'y ako na bahalà sa itaás. -Makapanaog kayang mag-isá sa ganitong oras? -Hindi ngángayon lamang siya mananaog. -At sino ang ibá pa niyáng pinápanaog? Nápatawa nang impit ang isá. Sa tanong na ito'y napagkilala pa niya ang talagang pagka-mapánibughuin ng kausap. -Huwag kang mag-alaala: walang ano pa man. Sa lahat nang nákita kong gumigiri-giri kay Meni, ay walang nakapangangahás nitong magagawa mo ngayon. Kilalanin mo't hindi, ang iyong ipagkakapalad ngayong gabi, ay utang mo sa akin. -Ay bakit siyá wikà mo, madalas ditong nananaog kahit gabi? -Bihirang di may-kasama. Karaniwa'y pagkagaling nila sa Night School ay napáparito sa hálamanán at nangunguha ng sampagita: pag di nakagawa ng kuwintas sa hapon, ay gumagawa bago matulog, at naglalagay pa sa ilalim ng unan, lalo na noong tag- init na di, raw silá mápagkatulog. -Hindi kaya siyá samahan ng alilà? -Siya ang masusunod. Yao'y makabababa sa silong: makapagyayao't dito sa pintuan, at makalalabas pa riyán sa daan kahit mag-isá. -Sinu-sino ang tao sa salas? -Nároón ang mag-inang taga-San Miguel at si Abugado Madlang-layon. Dito nagsihapon, at nag-uusap sila-silá niná Tiyó Ramon at ni Talia. Hindi mo ba náuulinig ang tawanan? Oo, ngå, kangina pa. At ang mag-asawa ng kapatid na lalaki niná Meni? -Nasa "comedor:" ang kanilang anak ang nilalaro. -Kung gayon ay paano? -liwán na kitá rito: ako'y doón lalagay sa hagdanan, siyáng makikiramdam sa itaas at kung anó't anó ay akó ang masasabing kasama o kausap niya sa pangunguha ng mga bulaklak. Tuluy-tuloy na pumasok ang nagpaalám hanggang sa nawala sa silong ng bahay. Ang pinagpaalamá'y naiwan sa pagkakatayo, na natitigilan pa mandin sa pagsisimula ng isang inaakalang gawin. Ang dalawang nag-usap na iyo'y dili iba't ang magkaibigang si Felipe at si Delfin. Sa kanilang mga pinag-usapan, sa kanilang mga ánasan at sa pakubli-kubling pagtayo sa madilim, ay mapaghuhulò nang ang tiyapan nilang yaón, ay susundan pa ng isang tiyapan ding lalong maligaya. Hindi pa nag-iibang araw. Noo'y kagabihán din nang pagdating niná Don Ramon mulâ sa Antipulo. Nang umaga rin niyón nátanggap ni Delfin ang sulat ni Meni. Nang tanghaung umuwi si Felipe sa bahay upang kumain, ay inihatid nitó ang pasabi ng katotong sinulatan, na hindi sa sulat ibig ipahayag ang kanyang sagót, kundi sa isang niig na sálitaan. Ang salitaang ito'y tinanguán ni Meni pagkabalità, at nagkayari silang kawaló't kalahati ng gabi mananaog sa hálamanán, pagkáramdam sa ubó ni Delfin, upang sa mga rehas ng bakod sa daán, ay mangyari ang kanilang pag-uusap. Ang lahat ay napagkayarian sa mabuting pagpaparaán ni Felipe. Makálawá, makáitlong nakapagbalik-balik si Delfin, parang masiyasip na sinusukat sa hakbang ang kahabaang yaón ng bangketa ng bahay ni Don Ramon. Ubóng mahinà, malakas-lakás....dahák na iláng sunód.... ubó at dahák nang makasaíd-laway... ang inaabatang sumungaw ay di pa rin namamataan. Bakit? ano ang nangyayari? Pinaglaruan kaya siya ng kaibigan?... Tumigil sa may bungad ng pinto.... Lumingon sa likod at baka may pulís o ibang taong sa kanyang pag-abat ay umaabat namán. Sumilip hanggang káloob-looban ng silong na abot-matá. Ni anino ni Meni, ni anino ni Felipe, maanong nabanaagan. Samantala ay dinig niyá hanggang doon ang mga alingawngaw ng sálitaa't tawanan sa itaas ng bahay... Ang tinig ni Meni ay waring náuulinigan din sa pakikitawa. Iniwan ang pintuan; isáng yao't dito pa at tumayo na sa pinakalikô ng daán, na sulok din naman at likô ng bakod na padér at rehas ng hálamanán. Mulâ roo'y ipinasakop nang buô sa kanyang matá ang gayong kalaking bahay na kanyang tinátapatán. Kung nagtatampo man ang buwan sa gabing yaón, sa itaas at silong, sa loob at labás ng bahay ay mailaw namán. Hindi si Don Ramon ang makapagtitipid sa luseléktrika. Kung ang sa pintuang malaki ay hindi násindihan nang gabing yaón, ay sapagka't si Felipe ang may kagagawán. Disin si Delfin ay di makalalayà roón ng pag-aabang. Hindi malapit na di namán malayò sa daan ang tayo ng nasabing bahay. Bakod ngâ lamang at isang halamanang makitid, nguni't mahaba at paligid, ang sa harap ay nakapagitan. Dalawa ang pinakamukha ng bahay, tig-isá't paayón sa dalawang panig ng lansangang paliko at makipot. Ang bahay ay bagung-bago, kung di sa yari ay sa pinta man lamang. Malakí, nguni't di namán mákakasinlaki na ng lalong pinakamahalagang bahay niyang páupahán. Siin, kahoy, bató gaya ng karaniwang bahay sa Maynilà nang nangángalahati ang siglong nagdaan. Kung sa ganda at kisig, ang tahanan ni Don Ramon ay walang gaanong katangian. Sa buong pagkátayo ni Delfin, bagamán sa guniguní niya'y isa- isá halos na sumagi ang anyo ng lahát nang kuwarto at kasuluk-sulukan, ang loob at labás, ang salas, ang mga hihigán, ang mga uupán, ang lahát ng lugál at lamán ng bahay, ang tanang taong doo'y natitirá at ang mga dalaw, alilà at panginoón,.... anupá't ang lahát nang inaakalà niyáng sa mga sandaling yao'y sukat károonán ni Mening di na pumaná-panaog; dátapwâ, ang lalong napag-iitingang pagharian ng kanyang mga mata, ay ang buong harapán ng bahay, ang mula sa itaás na bintanang pangakong súsungawan, hanggang sa katapát na hálamanán at sa lahát ng siwang ng mga rehas na bakal. Dito, ang anino man yata ng káliít-liitang lamók, ay di nakaligtas sa kanyang matang nakalilimot na halos sa pagkisáp. Si Felipe, saán nároón? anó't hindi nabábalisa sa gayong katagál na ng pag-aantayan? Parang náulinig ang ganitong mga tanong sa sariling loob, si Felipe ay kátaón namán at walang anu-ano nga'y sa súsulpot. -Hintay ka, kaibigan, huwag kang mainip, at siya'y hindi nakaraan sa salas dahil sa mga tao roón. Mula sa gitna ng hagdanan siya'y tinatanaw ko nang papalabas na sa kuwarto at paumat-umat na ibig magdaán; nápataón sa isáng táwanan ni Talia at ni Yoyong na pati siya'y natawag at napagsabihan ng dahil ng pagkakatawanan. -Hindi pa dumurungaw-ang pakli ni Delfin. -Hindi pa?... Nguni't náramdaman ka na niyón: sa tingin ko'y talaga siyang papanaóg na, napigil ngå lamang. Sandali pa! At muling nasok si Felipe, at ang isa'y iniwan na naman. -Tila nananaog na!-ang sa sarili'y náwikà ni Delfin nang makasandali. May narinig na yabág sa hagdanan. Hindi nagkabula ang kanyang "tila." Parang kabilugan ng buwang nakapulás sa makapál na alapaap, si Meni ay unti-unting namanaag sa may hagdanan. Buóng ningning, buóng ganda, buong luwalhati ng áasam-asám na matá at pusò ni Delfin! Ang sikat ni Benus sa dibdib ni Kupido! Ang paták ng ulán sa uhaw na lupà! Ang lunas ng pag-asa sa lason ng pagkainip!... -Ipéng, Ipéng!... Si Meni ang tumatawag sa silong. Lumingap-lingap, at pagkahagis ng isáng tanáw sa may-pintuang malakí, ay lumapit sa pinto naman ng isang anaki'y yungib sa ilalim ng hagdanan. Ang tila yungib na ito ay siyáng tahanan ng mag-asawang kutsero ni Don Ramon. -Ciriacoo....! -Walâ pô rito ang tugon ng nasa-loób na isang babaing nagpapatulog ng pásusuhin niyang sanggol. Ang babaing ito'y siyang asawa ng kutsero. -Nasa-kabalyerisa pô at nagpapakain ng palay-ang idinugtong pa ng babae, na ang kanyang tinig, bagaman marahan lamang, ay umaalingawngaw sa loob ng gayóng lunggá ng tao, katulad ng alingawngaw ng mga himutók ng isang napipiít sa kalaboso. -Si Felipe? náriyán ba o náritó sa kanyang kuwarto? -Náritó akó ang paanás na tugón ni Felipe. Ito nga'y nasasa-loób din ng lunggang yaón; kaiiwan pa ni Ciriaco at talagang ang pinag-uusapan nila'y ang mangyayari sa gabing iyon sa dalawang magkasintahan. Sa mag-asawang kutsero ay di na kaila ang lahát at lahat. Mapa kay Delfin at mapa kay Meni, ay di na míminsang sila ma'y nakakapagdala ng mga iniuutos sa kanilang sulat. -Ipéng, samahan mo akong manguha ng sampagita. -Oo, kung iyan lamang. Ang dalawa'y lumabas sa silong; napatungong nangunguna sa pintuan si Felipe, at si Meni ay lumihis sa dakong kaliwa ng halamanán. -Baka pumasok pa siya?-ang bilin muna ng dalaga. -Ay anó?-anf Felipe. -Huwág! dito ako sa loob at siya'y sa labás na lamang; sa mga siwang ng rehas kami mag-uusap, kung anuman ang ibig niyang sabihin. Tumikím si Felipe. Ang nasa-labás ay sumagid naman sa may pintó at tinungo ang tapát ng bakod na kinároroonán ni Meni. -Diyan ka na- ang ibinulóng muna ni Felipe sa dalaga- napasama ka sa akin dito at wikà mo ikaw'y nag-fisá ngayong may kasama ka na, ako'y aalis namán. At yumaon na ngang sa sarili ay ibinubulóng: -Hindi na sampagita lamang ang makukuha mo riyán!... -Meni? -Delfin! -Asa ko'y titiisin mo na akong magdamagin dito! -Paano, hindi ako makapana-panaog, maraming tao sa salas. Kangina ka pa ba? -Oh!... kagabi pa! -Palalò! Nátanáw ngâ kitá mulâ sa bintanang iyon!... -Di na katá nákita! -Malabò ang matá mo!... Anó iyón? mayroon ka ngâ bang sásabihin? -Ay Meni!... mayroón, marami, mahahalagá, malulungkot kung iyong palulungkutín, masasayá kung iyong pasásayahin! -Anó iyón? sabi nang madali at baka...! -Papasok muna akó riyán. -Abá, huwág! -Lumabás ka sa may-pintuan. -Ah, ayoko! -Masamáng lalò itóng anyo natin! Bakâ may tao o may pulis na máparaan dito... -Kaya madali ka. -Mahaba ang aking sasabihin. -Abá!.. -Papaano, Meni, anó ang malay ko, kung ngayon na lamang katá mákakapulong! -Hindi... -Ah, papasok akó riyán. Mabuti riyán sa hálamanán ninyo at makakaupo tayo. At pagkasabi nito'y hindi na nag-antay ng hali o huwag pa ni Meni, at tuluy-tuloy na itinulak ang pintuang bakal na bukás nang gagadangkal lamang. Nasok, at ang dalagang nanlalamig sa sindak ay nilapitan nang buong giliw. Ang langit namán noo'y walang ipinakikitang aliw sa sungit ng lupa, kundi ang ilang nag-andap-andap na mga bituin. Ang buwán, na dapat sanang pakitang gasuklay na, ay patuloy pa rin sa pagtatampo; nagpapabayà nang ang malamig na simoy ng hangin at ang mapanglaw na itim ng gabi ay siyang magwagi sa kalupaán. Sa lansangang yaón ng Santa Cruz ay walang luseléktrika, nguni't may mga dulong- liwayway na umaabot sa tapát ng bahay ni Don Ramon, galing sa kabilang daán. At ang ilang puno ng koles, ilang-ilang, sampaka, gumamela, kamuning, niyog na nagtataasan, bukód ang malalagong mga baging ng granadina na naggapang at nagpulupot sa halos buong mga rehas, ay siyang lalò pang nagpapakubli at nagpapalamlam sa kaunting liwanag ng ilaw na buhat sa ilang bukás na bintana at sa may hagdanan sa silong, ay lumiliwayway nang bahagya sa hálamanán. Dito'y may mga sadyang ilaw rin, nguni't pawȧ noong mga patay. -Nakú, si Delfin!... sukat kang pumasok!-ang nanginginig na sabi ng binibini.-Bakâ mày makákita sa iyó rito!... -Dito'y mayroon akong mapangungublihan, di gaya sa labás na dáanan; dito ako'y lalong mapalad, kaysa kung sa ati'y may mga rehas na pagitan; dito ko masusubok nang totohanan kung si Meni ay talaga ko nang maaasahan o hindi pa; dito, oh Meni!, dito ko ibig marinig ang isang salitâ mo, isang salitâ lamang na katumbas na ng aking buhay...! Kung ang batis na yaón sa Antipulo ay di pa naging dapat na sumaksi at magpatamó ng lubós kong kaligayahan, itó nang hálamanán mo rin ang akin ngayong inaasahan...! -Delfin, alalahanin mo ang galit sa iyo ng aking tatay! -Naáalaala ko. Hindi ko malilimot kailanman, gaya ng di pagkalimot sa iyo. Sa pag-aalaala ko niyón, kaya namithi ang ikaw'y dito kausapin. -Si Delfin nama'y parang di nakatatalós na malaking ka- pangahasan na itong ginawa ko sa mga ganitong oras! Pumasok ka pa!... Nanlalamig ako!.... -Huwag kang matakot: higit kailanma'y ngayón máipakikita sa akin ang tunay mong pagdamay sa dinaramdam ko! -Halá,... magsabi na, ano ang ibig mong sabihin sa akin? -Ang ibig kong sabihin?... Di mo pa ba nahuhulaan? -Akó ba'y manghuhula? -Sa lamán lamang ng aking pusò manghuhula ka...! Madilim nga ang gabi. Ang hálamaná'y kubli pa at malilim. Dátapwâ, sukat sa isá niláng tinginang sumunod sa gayong tanong ni Delfin, ang mga balintatáw nila'y labis pang naging tanglaw upang magkábasahán sa mukha ng kapwà pag-irog na walang kamatayan. -Oo!...-ang sagot na bahagya nang namulás sa matamis na labi ng binibini. -Anong oo?-ang masiglang habol ng binatà.-Iyán na ba ang sagót mong hinihingi ko? -Oo...! -Meni ko! Sa kasasalán ng tibók ng pusò, sa kasidhián ng samyo ng gayong walang kasintamis na sagót, ay nahawakang biglâ ni Delfin ang kanang kamáy ng kanyang irog. Pinisil, inakmaáng hagkan ang palad, nguni't biglang ipinitlag ng dalaga. Huwág! anya-anó ang gagawin mo? -Lálagdaán ko ng pasasalamat!-ang sa buong giliw ay tugón ng binată. -Ang kamay ko? -Ah... ang pisngi mo!-at umakmang tupdin ang sinasalita. Nguni't di nangyari. Naagapang palisin ni Meni ang kamay niyang isinapupo sa garing nitong baba at pisngi. -Huwag kang malikót sana!-ang samò. -Pabayaan mo, oh Meni ko!, na aking ibulong sa iyong pisngi at mga labi ang mataós kong pasasalamat...! -Sa ibang araw na. -Si Meni namán!-at sa isáng kisáp-matá'y tinupad ang kanyang nápauntol na akma. -Magnanakaw! Hindi kailangan: hindi ko namán loób iyán! Magnanakaw ka! -Meni! -Anó sa akin: nakaw lamang sa pagkakálingát ko! Ang binata'y natigilan sa ganitong pagpapawalang halaga. Siyá nga naman! Ano ang kasaysayang nasamyo man ang gayong bangó, kung patay na loob ang sinamyuán? Nagsisi. Nguni't sayang na mga sandali iyón...! Oh, buhay ko! diyata't pinapalibhasa mo ang isang ginawa ko dahil sa pag-ibig natin lamang? -Mangyari'y hindi ko loób. -Kung gayo'y antay ko ang iyong kalooban! -Anó pa ang kailangan, Delfin? -Bah! parang ikátutulog ko ang masabi-sabi mong kundi pa panakaw ay di.... -Hindi na; hindi ko na iyán sásabihin, kailanman!-ang isinambot na matamis ng dalaga. -Ah, ayoko namán! Ang ibig ko ngayon ay isá mong tunay na kalooban. -Sa ibang araw na! -Ngayon na rin! -Papaano? -Ibubulong ko riyán nang matunóg, nguni't pipi ang aking pasasalamat; at ang oo mo'y isulat namán dini ng iyong mga labi, katunayan ng iisá tang puso't kaluluwá. Una muna ang mga matá, bago mga labi't pisngi ng isa't isa ang nag-usap. Anóng tamis na pag-uusap!. -Anó pang pag-asa ang iyong ibig?-ang pagkasandali'y namutawi sa bibig ng binibini. -Mayroon pa: lalong mahalaga: kailangang malaman ko ang pasya mo. Sásabihin ko sa iyó ngayón din, nguni't huwag dito; tayna roon sa luklukan ng glorieta at nang ang mga anino nati'y hindi mábadhâ sa mga sinag ng ilaw dito. Ang halamanáng yao'y hindi pitasan lamang ng mababangó at magagandang bulakiak, kundi páraanán din naman ng mga kaaya- ayang sandali. Sa gitna-gitná, tukól sa isang sulok ng bahay, ay may isáng marikit na glorieta, kaugalian na sa maraming hálamanán sa Pilipinas; yaring pulós na kawayan: mga patpat na pinagsabat-sabát at binalantok; sinadyaán sa ilang haligi at hubog na mga kaluskos at sari-saring palamuti; pinintahán pa ng kulay-dahon, sakâ pinatungan ng mga sala-saláng kawad, mula sa ibabâ hanggang sa taluktok na tila taklob-bubóng ng sabungán; bago pinagapangan sa malalagóng baging ng aurora. Sa silong ng glorieta na may apat na pintong lágusan, katugón sa itaas ng apat na balag namang pahubóg din at ginágapangan ng tinurang mga baging at ng mga kasalít na rosas de pasión, ay may apat na luklukang nakapaligid sa isang lamesang mar-nol sa gitnâ, at ang nangásabing bangko ay anyong silyang kahoy na may sandalan. Nilisan ng dalawang magkasi ang lugál na kinatatayuan. Sapupo ng kanang kamay ni Delfin ang baywang-hantik ng binibini, at pigil ng kaliwa ang kaliwa ring palad nitó, na parang sutlà sa lambot at kakinisan, samantalang ang kanang kamay niyang hindi pigil, ang nagiging tagatanggol ng hiya at kahinhinán sa mapupusók na akmá at mapagpanganib na kilos ni Delfin... Sila sa gayon, ay dalawang artista manding nanggagaling sa loob o likod ng tabing at magkaakbay na lumalabas sa tanghalan ng dúlaan. May mga puno ng sampagita at kampupot na kinababalakirán; may mga sangá ng kamuning na niyúyukuán sa paglakad, may dama de nocheng humáhalimuyak ng masangsang, may mga pasô ng alfonso, conde de Paris, rosas de té, de naranja, de libra, margarita, pitimini, malva-rosa, at kung anu-anó pang halamang-Singgalong, na may sari-saring pangalang binyag ng mga maghahalamán,... ang lahát nang ito, na sa magkabilang panig ng landas ay nangátatanim at naghahalimuyakan, ay waring mga kawal na náhahanay doon at nagpapagaraán ng ayos habang ang mga hari nila'y nagdaraan. Nguni't ang mga kabánguhang yaón sumagi ma'y anó pa sa pangamóy at gunita ng magkasintahan. May isáng di karaniwang bangó siláng sinasamyo at inaasám na mápupog nang wala nang bitiw hanggang kamatayan: ang bangó ng Pag-ibig, ang tamis ng Sumpaan. Pagdating sa hanay ng mga bangko ay nupo ang dalawa na anaki'y namamalikmata kapwà. Parang wala nang ibang tao sa lupà kundi silá lamang! -Ngayon, ang mabining mungkahi ng dalaga-sabi na kung anó pa ang iyong sasabihin! -Oh, aking langit! ibig kong ikaw'y aking máilipád ngayon sa himpapawid; doón tayo magbahay at nang masarili natin ang ligaya! -Sa himpapawid?... -Ibig kong tayo na lamang ang mátirá sa ibabaw ng lupà, nang walang makaabala sa ating kapanatagán. -Sana nga!... -Ibig kong mamatay na ako ngayon din sa kandungan mo, nang di na abutin niyaring buhay ang ipagbabago ng iyong loob sa akin. -Kung anu-ano ang sinasabi nitó...! -Náguguniguní ko, Meni, ang iyong paglimot. -Paglimot ko? ako? -Ah...! náiisip ko ang layò ng agwat ng ating buhay: ako'y dukhâ, ikaw ay mayaman. -Salát ka man sa salapi, sa magandang loob nama'y saganà. -Ang pulós na kagandahan ng loob ay di naipakikisamang mabuti sa yaman. -Mayaman ka pa sa isip, bukód diyán. -Itó pa nga ang lalong bumabakla sa loob ko na ikapopoót ninyo sa akin balang-araw. -At bakit, Delfin, bakit naman? -Ang amá mo lamang sa tanong na iyan ang makasasagot. -Sa akala ko namán, kung ikaw'y maging abugado, hindi mo na máikahihiya ang hingin ang kamay ko sa aking tatay. -Samakatwid hanggang hindi akó abugado... -Alám ko na ang sasabihin mo!-ang isinambot ng dalaga. Kung sa akin ang titulo ay walang kabagayán. Sukat ang maging si Delfin kang walang maliw, upang masiyahan na ang loob ko nang lubós na lubós hanggang sa mamatay. Tikis na ngå lamang ang tatay ko! Nguni't ano ang magagawa niya kung talaga ko nang ibig? Ngayon lamang, nároroón silá at ako'y naririto sa iyó: ikaw naman ang aking tatay... ang aking panginoón... ang aking... -Anó? -Ang aking... Delfin! Isáng piping salitâ, nguni't matunóg at pasulat sa mayuming babȧ ni Meni ang tanging naitugón ng binatà. -Halá, magsamantala ka, Delfin!-ang nábigkas nang buong giliw ng binibini. Dátapwa... naáalaala mo ang pagkalimot ko sa iyó, at ang pagtalikód mo sa akin, hindi? -Oh, Delfin! -Meni, níniyák ka ba? Hindi dapat ihalo sa mga sandaling itó ang luha. -Nágugunitâ ko naman na bakâ ang kadilimang ito ng gabi na sa ati'y nagbabantay, ay siyáng maging kapanglawan ko bukas, o mámayâ ring ako'y iyó nang malisan! -Sa aki'y di magbubuhat ang kapanglawang iyán, sumpa ko! -Sa akin ma'y hindi, sumpâ ko rin! -Kung gayon ay huwag mong sayangin ang luhang iyán: gamitin mo kung nábuburol na ang bangkay ko... Ang mabangóng panyo ni Delfin ay siyang nagpatuloy na kumaú- kausap at umamú-amò sa mga mata at pisngi ng kanyang irog. Nápakababang luha! Sa bisa ng galak o sa pait ng gunamgunam, ang mga luhang yao'y maaaring iukol. Hindi ang lungkot lamang ang ikináiiyák: ang kagalakan man kung minsan. Samantala, ang pagkalimot nila sa mga iba pang bagay na sukat pag-usapan gaya ng mga nangyari sa Antipulo at ng mga nangyari sa Maynilà, nang siná Meni'y maiwán doón at si Delfin ay umuwi rito ay maanong napukaw ng isá man lamang salita sa gayong katamis na pag-uulayaw. Ang dilim ng gabi ang unang may kasalanan.. May isang karwaheng tumigil sa tapat ng pintuan. Isang lalaki't isang babae ang nabâ. Ang sinag ng dalawang ilaw na de-aceiteleno, sa biglang pagtigil, ay parang nagsabi kiná Delfin ng panggulat na: "Ano kayó riyán?" Ang kaniigán ng kanilang puso ay parang tinangáy ng limbas sa gayong pagbulaga ng ilaw. Kung sila'y di titinag sa lagay na yaón sa úpuan, bagamán nasa-silong ng glorieta, ay walang salang maaaninag ng dalawang nabâ kung masok na sa pintuan. Nagkubli kapwa sa isang panig na masukal ng glorieta: lumigtas sa tamà ng mga liwayway. Mulâ roón, katulad ng mga moro sa Magindanáw kung nangagkukubli sa kabaka, ay sinilip at pinakábalalayan ang gawi ng lakad ng dalawang nanasok sampun ng mga pagwasiwas ng ilaw. Sino iyón? sino silá?-ang ánasan ng dalawang nagtatago. Si Meni ang unang nakakilala. -Ahá...! si Don Filemon-anya-at si Nora Loleng! -Sa ganitong oras, mahigit nang ikasiyam ng gabi?-aní Delfing nagtataká. -Madalás siláng pumarito nang ganyang oras. Sakâ marahil galing sila sa fábrica at ang tatay ko'y babalitaan. Tila raw ang welga kangina'y napayapà na. Ang mag-asawang nasok ay nangagtuloy sa hagdanan, na walang pangi-pangiming para rin ng sa sariling bahay. Walang salang ako'y háhanapin sa itaas ang náwikà ni Meni. -Hindi, hintay ka! bayaan natin silang magtawág, kunwa ikaw ay nasa-kuwarto na't natutulog. -Abá, kita akó nilá nang manaog! At ang pagpanhik ko? -Kung gayon ay manguha muna tayo ng ilang sampagita, at nang mádahilán mo sa pag-akyat. Siya ngang ginawa ng dalawá. Ang mga panganib sa sinag ng ilaw ng karwahe ay di inalumana, makakuha lamang ng kaunting bulaklak na madádahilán. Paano ang paglabas mo?-ang samantala'y nasabi ng dalaga. -Bahala na, kung pasásamahan mo ako sa iyong alaala. At pagkakuwán," ang dalawang dibdib nilang walang kabúsagan sa pagbibigayan at tanggapan ng ligaya, ay pinapag-isang tibók muna bago nagkahiwalay. Datnan ni Nora Loleng sa gayong oras ng gabi at sa bahay ni Don Ramon ang mag-inang taga-San Miguel, itó ang tinatawag ng mga kastilang el acabóse! itó ang oras mo na! sa bantog na prayleng si P. Mariano Gil, nagkura sa Tundo. -Abáaah! ang pagkapanhik sa hagdan at pagkábungad sa salas ay nasabi ng Nora. Marami palá kayóng bisita, Ramon, Talia... Parang nátamaan ng kidlat ang mag-iná, pagkákita at pagkáriníg sa dumating. Ibig nang sumagot ng dalagang taga-San Miguel, si Julita ang kanyang palayaw na: "Oo nga, kami ang bisita, anó mayroon sa iyo?" nguni't napigil nang makitang may ibang taong kasunod, na nákilala nilang si Don Filemon. Si Don Ramon ay natitigilan, at nápamatá na lamang kay Nora Loleng. Ang naunang nakapagsabi ng: "Magtuloy kayo!" ay si Talia, saka nagtindigan silá ni Yoyong, upang makikamáy sa mag-asawa. -Anó, Filemon?-ang pagkakuwa'y usisà ni Don Ramon sa kanyang kaibigan. Kangina pa kitá inaantay, at ibig kong bago mag- umaga ay malaman ang pinangyarihan ng inyong usap ng mga nagwelga. Umupo kayong mag-asawa. Nakiumpok si Don Filemon sa pagkakabukód ng kanyang kasamá at ng mag-iná ni Julita sa isang panig ng salas, tabing dúrungawan, at si Nora Loleng na halos na'y maduling sa káiirap sa mag-iná at káhahagis ng masamáng tingin kay Don Ramon, ay hindi roon nakiumpok, kundi ang nilapita'y ang nálalayong dalawa, si Talia at si Yoyong, sa kabilang dako naman ng salas. Sa paglapit na ang mata'y kung násaán, ay nasagasà tuloy ang isáng lúraang losa, kaya't sa hindi i oras ay pinapaglinis ang mga alila sa bahay ng mga nasabog na karumhan sa tabla. -Puch!...puéh!-ang mapabintana at mapasalikod ng uupán ay madalás ipagpahalatâ ni Nora Loleng ng kanyang suklam. Hindi pa nag-iinit ang likod ni Don Filemon sa sandalan, ang mag-iná ay nagtindigan at nagpaalam na kapwa. -Kami'y aalis na-ang salita ng iná ni Julita-kaya di kami mápana-panaog, ay sa pag-aantay ngå ng makakahalili sa amin; ngayong mayroón na kaming kahalili, kami'y magpapaalam na namán.... -Aalis na ba kayo?-ang tanungan ng isa't isá, máliban si Nora Loleng na tumalikod pa mandi't sumungaw sa bintana, bago nanlurâ ng isang pagkalakas-lakás, na anupa't ang pagkatulingág lamang ng isáng Don Filemon ang di sukat makahalatang yao'y may malubha nang kahulugan. Si Talia at ang kasintahang abugado, sa pagkakalapit ay nakapagkálabitang, ibig mandin nilang sabihing: "Pag nagkátao'y nagkaroon dito ng combate dahil sa tatay!" Kay Talia ay hindi na kailang si Nora Loleng ay mayka- pangyarihan, nguni't lihim lamang na manibugho sa kanyang ama. Sa Abugado Honorio ay gayón din namán. Anupá't si Don Filemon lamang ang tatanga-tangá roón, at walang kamalak-malák, na sa ulo'y nalálaglagan ng dahon ng kawayan. Sa sarili naman ni Nora Loleng ay totoong hindi niyá madalumat na maging ang mag-iná pang yaón ang pumanhik ng ligaw sa di niya maibibigay na Don Ramon. Ang sinabi ni Talia na kaya nagsiparoón ang nasabing mag-iná, nang gabing yaón, ay salubong lamang sa kanilang panggagaling sa Antipulo, ay di nakapayapà muntî man sa ngitngit ng asawa ni Don Filemon. -Sabihin na lamang ninyo kay Meni-ang nang papanaog na sa hagdan ay bilin ni Julita-na kami'y umalis nang natutulog na siya. -Si Meni-ang wikà ni Don Ramon-ay hindi pa natutulog, nakita kong nanaog sa lupà. At sinundan ng dalawang tawag ang anak na wala. -Po! Narini akó, Tatay, kausap, ko siná Berang!-ang mula sa lupa'y itinugón ni Meni. Si Berang ay siyang asawa ng kutsero. Nananhik si Mening may balutan ng sampagita sa kamay at nananaog naman ang mag-iná, nang sila'y magkasalubong sa hagdanan. -Aalis na ba kayo? -Oo, Meni: mayroon na rin lamang kaming kahaliling isáng reina-reinahan?-anáng iná ni Julita. Si Meni'y napatawa na lamang. -May-araw ring mapapasaing sa amin ang tia mong iyán!— ani Julita. -Abá!-ang pagitlang náisagot ni Meni-baka kayó marinig ni Don Filemon! -Eh kung marinig ba?.... Sa pag-aalaala ni Mening baka lumubhâ pa ang mga pag- paparinig, ay siyá na ang kusang nag-abót ng kamay sa nagsisipanaog. Sa gayon, ay natuluyan na ang pag-alis ng mag-iná. p4q7cdq3d8rldp6aaxyvjblticmij1m 21790 21789 2026-04-18T09:48:34Z Flubertt 364 21790 wikitext text/x-wiki <big>[[Banaag at Sikat|V]]</big> <big>Magnanakaw....!</big> -Diyán ka tumayo, sa tapát ng dungawang iyán! Dumahák ka o kaya'y mag-ubú-ubuhan, yaong ang tinig mo'y huwag bagáng mákilala ng ibá, nguni't makilala niya. Siya'y susungaw; kung mapagsiyá ka na, ay asahan mo't pápanaog dito sa pintuan, magkakausap kayó. Ganitó ang aming pinagkásalitaan kangina. -Dito na ba? at ngayong oras nang ito? -Oo; mag-ingat ka lamang sa nangagdaraang tao, lalo na sa pulís. -Kung hindi akó máramdamán o mátanáw? - Máraramdamán. Nakahapon na kami. Lahát silá halos ay nasa salas, pati ng mga panauhin. Siyá lamang ang walang salang nasa kuwarto na't nag-aantay ng anó mang kaluskos o hudyat sa may bintanà. Mag-iikawalóng oras na't kalahati. Sa anó't anó ma'y ako na bahalà sa itaás. -Makapanaog kayang mag-isá sa ganitong oras? -Hindi ngángayon lamang siya mananaog. -At sino ang ibá pa niyáng pinápanaog? Nápatawa nang impit ang isá. Sa tanong na ito'y napagkilala pa niya ang talagang pagka-mapánibughuin ng kausap. -Huwag kang mag-alaala: walang ano pa man. Sa lahat nang nákita kong gumigiri-giri kay Meni, ay walang nakapangangahás nitong magagawa mo ngayon. Kilalanin mo't hindi, ang iyong ipagkakapalad ngayong gabi, ay utang mo sa akin. -Ay bakit siyá wikà mo, madalas ditong nananaog kahit gabi? -Bihirang di may-kasama. Karaniwa'y pagkagaling nila sa Night School ay napáparito sa hálamanán at nangunguha ng sampagita: pag di nakagawa ng kuwintas sa hapon, ay gumagawa bago matulog, at naglalagay pa sa ilalim ng unan, lalo na noong tag- init na di, raw silá mápagkatulog. -Hindi kaya siyá samahan ng alilà? -Siya ang masusunod. Yao'y makabababa sa silong: makapagyayao't dito sa pintuan, at makalalabas pa riyán sa daan kahit mag-isá. -Sinu-sino ang tao sa salas? -Nároón ang mag-inang taga-San Miguel at si Abugado Madlang-layon. Dito nagsihapon, at nag-uusap sila-silá niná Tiyó Ramon at ni Talia. Hindi mo ba náuulinig ang tawanan? Oo, ngå, kangina pa. At ang mag-asawa ng kapatid na lalaki niná Meni? -Nasa "comedor:" ang kanilang anak ang nilalaro. -Kung gayon ay paano? -liwán na kitá rito: ako'y doón lalagay sa hagdanan, siyáng makikiramdam sa itaas at kung anó't anó ay akó ang masasabing kasama o kausap niya sa pangunguha ng mga bulaklak. Tuluy-tuloy na pumasok ang nagpaalám hanggang sa nawala sa silong ng bahay. Ang pinagpaalamá'y naiwan sa pagkakatayo, na natitigilan pa mandin sa pagsisimula ng isang inaakalang gawin. Ang dalawang nag-usap na iyo'y dili iba't ang magkaibigang si Felipe at si Delfin. Sa kanilang mga pinag-usapan, sa kanilang mga ánasan at sa pakubli-kubling pagtayo sa madilim, ay mapaghuhulò nang ang tiyapan nilang yaón, ay susundan pa ng isang tiyapan ding lalong maligaya. Hindi pa nag-iibang araw. Noo'y kagabihán din nang pagdating niná Don Ramon mulâ sa Antipulo. Nang umaga rin niyón nátanggap ni Delfin ang sulat ni Meni. Nang tanghaung umuwi si Felipe sa bahay upang kumain, ay inihatid nitó ang pasabi ng katotong sinulatan, na hindi sa sulat ibig ipahayag ang kanyang sagót, kundi sa isang niig na sálitaan. Ang salitaang ito'y tinanguán ni Meni pagkabalità, at nagkayari silang kawaló't kalahati ng gabi mananaog sa hálamanán, pagkáramdam sa ubó ni Delfin, upang sa mga rehas ng bakod sa daán, ay mangyari ang kanilang pag-uusap. Ang lahat ay napagkayarian sa mabuting pagpaparaán ni Felipe. Makálawá, makáitlong nakapagbalik-balik si Delfin, parang masiyasip na sinusukat sa hakbang ang kahabaang yaón ng bangketa ng bahay ni Don Ramon. Ubóng mahinà, malakas-lakás....dahák na iláng sunód.... ubó at dahák nang makasaíd-laway... ang inaabatang sumungaw ay di pa rin namamataan. Bakit? ano ang nangyayari? Pinaglaruan kaya siya ng kaibigan?... Tumigil sa may bungad ng pinto.... Lumingon sa likod at baka may pulís o ibang taong sa kanyang pag-abat ay umaabat namán. Sumilip hanggang káloob-looban ng silong na abot-matá. Ni anino ni Meni, ni anino ni Felipe, maanong nabanaagan. Samantala ay dinig niyá hanggang doon ang mga alingawngaw ng sálitaa't tawanan sa itaas ng bahay... Ang tinig ni Meni ay waring náuulinigan din sa pakikitawa. Iniwan ang pintuan; isáng yao't dito pa at tumayo na sa pinakalikô ng daán, na sulok din naman at likô ng bakod na padér at rehas ng hálamanán. Mulâ roo'y ipinasakop nang buô sa kanyang matá ang gayong kalaking bahay na kanyang tinátapatán. Kung nagtatampo man ang buwan sa gabing yaón, sa itaas at silong, sa loob at labás ng bahay ay mailaw namán. Hindi si Don Ramon ang makapagtitipid sa luseléktrika. Kung ang sa pintuang malaki ay hindi násindihan nang gabing yaón, ay sapagka't si Felipe ang may kagagawán. Disin si Delfin ay di makalalayà roón ng pag-aabang. Hindi malapit na di namán malayò sa daan ang tayo ng nasabing bahay. Bakod ngâ lamang at isang halamanang makitid, nguni't mahaba at paligid, ang sa harap ay nakapagitan. Dalawa ang pinakamukha ng bahay, tig-isá't paayón sa dalawang panig ng lansangang paliko at makipot. Ang bahay ay bagung-bago, kung di sa yari ay sa pinta man lamang. Malakí, nguni't di namán mákakasinlaki na ng lalong pinakamahalagang bahay niyang páupahán. Siin, kahoy, bató gaya ng karaniwang bahay sa Maynilà nang nangángalahati ang siglong nagdaan. Kung sa ganda at kisig, ang tahanan ni Don Ramon ay walang gaanong katangian. Sa buong pagkátayo ni Delfin, bagamán sa guniguní niya'y isa- isá halos na sumagi ang anyo ng lahát nang kuwarto at kasuluk-sulukan, ang loob at labás, ang salas, ang mga hihigán, ang mga uupán, ang lahát ng lugál at lamán ng bahay, ang tanang taong doo'y natitirá at ang mga dalaw, alilà at panginoón,.... anupá't ang lahát nang inaakalà niyáng sa mga sandaling yao'y sukat károonán ni Mening di na pumaná-panaog; dátapwâ, ang lalong napag-iitingang pagharian ng kanyang mga mata, ay ang buong harapán ng bahay, ang mula sa itaás na bintanang pangakong súsungawan, hanggang sa katapát na hálamanán at sa lahát ng siwang ng mga rehas na bakal. Dito, ang anino man yata ng káliít-liitang lamók, ay di nakaligtas sa kanyang matang nakalilimot na halos sa pagkisáp. Si Felipe, saán nároón? anó't hindi nabábalisa sa gayong katagál na ng pag-aantayan? Parang náulinig ang ganitong mga tanong sa sariling loob, si Felipe ay kátaón namán at walang anu-ano nga'y sa súsulpot. -Hintay ka, kaibigan, huwag kang mainip, at siya'y hindi nakaraan sa salas dahil sa mga tao roón. Mula sa gitna ng hagdanan siya'y tinatanaw ko nang papalabas na sa kuwarto at paumat-umat na ibig magdaán; nápataón sa isáng táwanan ni Talia at ni Yoyong na pati siya'y natawag at napagsabihan ng dahil ng pagkakatawanan. -Hindi pa dumurungaw-ang pakli ni Delfin. -Hindi pa?... Nguni't náramdaman ka na niyón: sa tingin ko'y talaga siyang papanaóg na, napigil ngå lamang. Sandali pa! At muling nasok si Felipe, at ang isa'y iniwan na naman. -Tila nananaog na!-ang sa sarili'y náwikà ni Delfin nang makasandali. May narinig na yabág sa hagdanan. Hindi nagkabula ang kanyang "tila." Parang kabilugan ng buwang nakapulás sa makapál na alapaap, si Meni ay unti-unting namanaag sa may hagdanan. Buóng ningning, buóng ganda, buong luwalhati ng áasam-asám na matá at pusò ni Delfin! Ang sikat ni Benus sa dibdib ni Kupido! Ang paták ng ulán sa uhaw na lupà! Ang lunas ng pag-asa sa lason ng pagkainip!... -Ipéng, Ipéng!... Si Meni ang tumatawag sa silong. Lumingap-lingap, at pagkahagis ng isáng tanáw sa may-pintuang malakí, ay lumapit sa pinto naman ng isang anaki'y yungib sa ilalim ng hagdanan. Ang tila yungib na ito ay siyáng tahanan ng mag-asawang kutsero ni Don Ramon. -Ciriacoo....! -Walâ pô rito ang tugon ng nasa-loób na isang babaing nagpapatulog ng pásusuhin niyang sanggol. Ang babaing ito'y siyang asawa ng kutsero. -Nasa-kabalyerisa pô at nagpapakain ng palay-ang idinugtong pa ng babae, na ang kanyang tinig, bagaman marahan lamang, ay umaalingawngaw sa loob ng gayóng lunggá ng tao, katulad ng alingawngaw ng mga himutók ng isang napipiít sa kalaboso. -Si Felipe? náriyán ba o náritó sa kanyang kuwarto? -Náritó akó ang paanás na tugón ni Felipe. Ito nga'y nasasa-loób din ng lunggang yaón; kaiiwan pa ni Ciriaco at talagang ang pinag-uusapan nila'y ang mangyayari sa gabing iyon sa dalawang magkasintahan. Sa mag-asawang kutsero ay di na kaila ang lahát at lahat. Mapa kay Delfin at mapa kay Meni, ay di na míminsang sila ma'y nakakapagdala ng mga iniuutos sa kanilang sulat. -Ipéng, samahan mo akong manguha ng sampagita. -Oo, kung iyan lamang. Ang dalawa'y lumabas sa silong; napatungong nangunguna sa pintuan si Felipe, at si Meni ay lumihis sa dakong kaliwa ng halamanán. -Baka pumasok pa siya?-ang bilin muna ng dalaga. -Ay anó?-anf Felipe. -Huwág! dito ako sa loob at siya'y sa labás na lamang; sa mga siwang ng rehas kami mag-uusap, kung anuman ang ibig niyang sabihin. Tumikím si Felipe. Ang nasa-labás ay sumagid naman sa may pintó at tinungo ang tapát ng bakod na kinároroonán ni Meni. -Diyan ka na- ang ibinulóng muna ni Felipe sa dalaga- napasama ka sa akin dito at wikà mo ikaw'y nag-fisá ngayong may kasama ka na, ako'y aalis namán. At yumaon na ngang sa sarili ay ibinubulóng: -Hindi na sampagita lamang ang makukuha mo riyán!... -Meni? -Delfin! -Asa ko'y titiisin mo na akong magdamagin dito! -Paano, hindi ako makapana-panaog, maraming tao sa salas. Kangina ka pa ba? -Oh!... kagabi pa! -Palalò! Nátanáw ngâ kitá mulâ sa bintanang iyon!... -Di na katá nákita! -Malabò ang matá mo!... Anó iyón? mayroon ka ngâ bang sásabihin? -Ay Meni!... mayroón, marami, mahahalagá, malulungkot kung iyong palulungkutín, masasayá kung iyong pasásayahin! -Anó iyón? sabi nang madali at baka...! -Papasok muna akó riyán. -Abá, huwág! -Lumabás ka sa may-pintuan. -Ah, ayoko! -Masamáng lalò itóng anyo natin! Bakâ may tao o may pulis na máparaan dito... -Kaya madali ka. -Mahaba ang aking sasabihin. -Abá!.. -Papaano, Meni, anó ang malay ko, kung ngayon na lamang katá mákakapulong! -Hindi... -Ah, papasok akó riyán. Mabuti riyán sa hálamanán ninyo at makakaupo tayo. At pagkasabi nito'y hindi na nag-antay ng hali o huwag pa ni Meni, at tuluy-tuloy na itinulak ang pintuang bakal na bukás nang gagadangkal lamang. Nasok, at ang dalagang nanlalamig sa sindak ay nilapitan nang buong giliw. Ang langit namán noo'y walang ipinakikitang aliw sa sungit ng lupa, kundi ang ilang nag-andap-andap na mga bituin. Ang buwán, na dapat sanang pakitang gasuklay na, ay patuloy pa rin sa pagtatampo; nagpapabayà nang ang malamig na simoy ng hangin at ang mapanglaw na itim ng gabi ay siyang magwagi sa kalupaán. Sa lansangang yaón ng Santa Cruz ay walang luseléktrika, nguni't may mga dulong- liwayway na umaabot sa tapát ng bahay ni Don Ramon, galing sa kabilang daán. At ang ilang puno ng koles, ilang-ilang, sampaka, gumamela, kamuning, niyog na nagtataasan, bukód ang malalagong mga baging ng granadina na naggapang at nagpulupot sa halos buong mga rehas, ay siyang lalò pang nagpapakubli at nagpapalamlam sa kaunting liwanag ng ilaw na buhat sa ilang bukás na bintana at sa may hagdanan sa silong, ay lumiliwayway nang bahagya sa hálamanán. Dito'y may mga sadyang ilaw rin, nguni't pawȧ noong mga patay. -Nakú, si Delfin!... sukat kang pumasok!-ang nanginginig na sabi ng binibini.-Bakâ mày makákita sa iyó rito!... -Dito'y mayroon akong mapangungublihan, di gaya sa labás na dáanan; dito ako'y lalong mapalad, kaysa kung sa ati'y may mga rehas na pagitan; dito ko masusubok nang totohanan kung si Meni ay talaga ko nang maaasahan o hindi pa; dito, oh Meni!, dito ko ibig marinig ang isang salitâ mo, isang salitâ lamang na katumbas na ng aking buhay...! Kung ang batis na yaón sa Antipulo ay di pa naging dapat na sumaksi at magpatamó ng lubós kong kaligayahan, itó nang hálamanán mo rin ang akin ngayong inaasahan...! -Delfin, alalahanin mo ang galit sa iyo ng aking tatay! -Naáalaala ko. Hindi ko malilimot kailanman, gaya ng di pagkalimot sa iyo. Sa pag-aalaala ko niyón, kaya namithi ang ikaw'y dito kausapin. -Si Delfin nama'y parang di nakatatalós na malaking ka- pangahasan na itong ginawa ko sa mga ganitong oras! Pumasok ka pa!... Nanlalamig ako!.... -Huwag kang matakot: higit kailanma'y ngayón máipakikita sa akin ang tunay mong pagdamay sa dinaramdam ko! -Halá,... magsabi na, ano ang ibig mong sabihin sa akin? -Ang ibig kong sabihin?... Di mo pa ba nahuhulaan? -Akó ba'y manghuhula? -Sa lamán lamang ng aking pusò manghuhula ka...! Madilim nga ang gabi. Ang hálamaná'y kubli pa at malilim. Dátapwâ, sukat sa isá niláng tinginang sumunod sa gayong tanong ni Delfin, ang mga balintatáw nila'y labis pang naging tanglaw upang magkábasahán sa mukha ng kapwà pag-irog na walang kamatayan. -Oo!...-ang sagot na bahagya nang namulás sa matamis na labi ng binibini. -Anong oo?-ang masiglang habol ng binatà.-Iyán na ba ang sagót mong hinihingi ko? -Oo...! -Meni ko! Sa kasasalán ng tibók ng pusò, sa kasidhián ng samyo ng gayong walang kasintamis na sagót, ay nahawakang biglâ ni Delfin ang kanang kamáy ng kanyang irog. Pinisil, inakmaáng hagkan ang palad, nguni't biglang ipinitlag ng dalaga. Huwág! anya-anó ang gagawin mo? -Lálagdaán ko ng pasasalamat!-ang sa buong giliw ay tugón ng binată. -Ang kamay ko? -Ah... ang pisngi mo!-at umakmang tupdin ang sinasalita. Nguni't di nangyari. Naagapang palisin ni Meni ang kamay niyang isinapupo sa garing nitong baba at pisngi. -Huwag kang malikót sana!-ang samò. -Pabayaan mo, oh Meni ko!, na aking ibulong sa iyong pisngi at mga labi ang mataós kong pasasalamat...! -Sa ibang araw na. -Si Meni namán!-at sa isáng kisáp-matá'y tinupad ang kanyang nápauntol na akma. -Magnanakaw! Hindi kailangan: hindi ko namán loób iyán! Magnanakaw ka! -Meni! -Anó sa akin: nakaw lamang sa pagkakálingát ko! Ang binata'y natigilan sa ganitong pagpapawalang halaga. Siyá nga naman! Ano ang kasaysayang nasamyo man ang gayong bangó, kung patay na loob ang sinamyuán? Nagsisi. Nguni't sayang na mga sandali iyón...! Oh, buhay ko! diyata't pinapalibhasa mo ang isang ginawa ko dahil sa pag-ibig natin lamang? -Mangyari'y hindi ko loób. -Kung gayo'y antay ko ang iyong kalooban! -Anó pa ang kailangan, Delfin? -Bah! parang ikátutulog ko ang masabi-sabi mong kundi pa panakaw ay di.... -Hindi na; hindi ko na iyán sásabihin, kailanman!-ang isinambot na matamis ng dalaga. -Ah, ayoko namán! Ang ibig ko ngayon ay isá mong tunay na kalooban. -Sa ibang araw na! -Ngayon na rin! -Papaano? -Ibubulong ko riyán nang matunóg, nguni't pipi ang aking pasasalamat; at ang oo mo'y isulat namán dini ng iyong mga labi, katunayan ng iisá tang puso't kaluluwá. Una muna ang mga matá, bago mga labi't pisngi ng isa't isa ang nag-usap. Anóng tamis na pag-uusap!. -Anó pang pag-asa ang iyong ibig?-ang pagkasandali'y namutawi sa bibig ng binibini. -Mayroon pa: lalong mahalaga: kailangang malaman ko ang pasya mo. Sásabihin ko sa iyó ngayón din, nguni't huwag dito; tayna roon sa luklukan ng glorieta at nang ang mga anino nati'y hindi mábadhâ sa mga sinag ng ilaw dito. Ang halamanáng yao'y hindi pitasan lamang ng mababangó at magagandang bulakiak, kundi páraanán din naman ng mga kaaya- ayang sandali. Sa gitna-gitná, tukól sa isang sulok ng bahay, ay may isáng marikit na glorieta, kaugalian na sa maraming hálamanán sa Pilipinas; yaring pulós na kawayan: mga patpat na pinagsabat-sabát at binalantok; sinadyaán sa ilang haligi at hubog na mga kaluskos at sari-saring palamuti; pinintahán pa ng kulay-dahon, sakâ pinatungan ng mga sala-saláng kawad, mula sa ibabâ hanggang sa taluktok na tila taklob-bubóng ng sabungán; bago pinagapangan sa malalagóng baging ng aurora. Sa silong ng glorieta na may apat na pintong lágusan, katugón sa itaas ng apat na balag namang pahubóg din at ginágapangan ng tinurang mga baging at ng mga kasalít na rosas de pasión, ay may apat na luklukang nakapaligid sa isang lamesang mar-nol sa gitnâ, at ang nangásabing bangko ay anyong silyang kahoy na may sandalan. Nilisan ng dalawang magkasi ang lugál na kinatatayuan. Sapupo ng kanang kamay ni Delfin ang baywang-hantik ng binibini, at pigil ng kaliwa ang kaliwa ring palad nitó, na parang sutlà sa lambot at kakinisan, samantalang ang kanang kamay niyang hindi pigil, ang nagiging tagatanggol ng hiya at kahinhinán sa mapupusók na akmá at mapagpanganib na kilos ni Delfin... Sila sa gayon, ay dalawang artista manding nanggagaling sa loob o likod ng tabing at magkaakbay na lumalabas sa tanghalan ng dúlaan. May mga puno ng sampagita at kampupot na kinababalakirán; may mga sangá ng kamuning na niyúyukuán sa paglakad, may dama de nocheng humáhalimuyak ng masangsang, may mga pasô ng alfonso, conde de Paris, rosas de té, de naranja, de libra, margarita, pitimini, malva-rosa, at kung anu-anó pang halamang-Singgalong, na may sari-saring pangalang binyag ng mga maghahalamán,... ang lahát nang ito, na sa magkabilang panig ng landas ay nangátatanim at naghahalimuyakan, ay waring mga kawal na náhahanay doon at nagpapagaraán ng ayos habang ang mga hari nila'y nagdaraan. Nguni't ang mga kabánguhang yaón sumagi ma'y anó pa sa pangamóy at gunita ng magkasintahan. May isáng di karaniwang bangó siláng sinasamyo at inaasám na mápupog nang wala nang bitiw hanggang kamatayan: ang bangó ng Pag-ibig, ang tamis ng Sumpaan. Pagdating sa hanay ng mga bangko ay nupo ang dalawa na anaki'y namamalikmata kapwà. Parang wala nang ibang tao sa lupà kundi silá lamang! -Ngayon, ang mabining mungkahi ng dalaga-sabi na kung anó pa ang iyong sasabihin! -Oh, aking langit! ibig kong ikaw'y aking máilipád ngayon sa himpapawid; doón tayo magbahay at nang masarili natin ang ligaya! -Sa himpapawid?... -Ibig kong tayo na lamang ang mátirá sa ibabaw ng lupà, nang walang makaabala sa ating kapanatagán. -Sana nga!... -Ibig kong mamatay na ako ngayon din sa kandungan mo, nang di na abutin niyaring buhay ang ipagbabago ng iyong loob sa akin. -Kung anu-ano ang sinasabi nitó...! -Náguguniguní ko, Meni, ang iyong paglimot. -Paglimot ko? ako? -Ah...! náiisip ko ang layò ng agwat ng ating buhay: ako'y dukhâ, ikaw ay mayaman. -Salát ka man sa salapi, sa magandang loob nama'y saganà. -Ang pulós na kagandahan ng loob ay di naipakikisamang mabuti sa yaman. -Mayaman ka pa sa isip, bukód diyán. -Itó pa nga ang lalong bumabakla sa loob ko na ikapopoót ninyo sa akin balang-araw. -At bakit, Delfin, bakit naman? -Ang amá mo lamang sa tanong na iyan ang makasasagot. -Sa akala ko namán, kung ikaw'y maging abugado, hindi mo na máikahihiya ang hingin ang kamay ko sa aking tatay. -Samakatwid hanggang hindi akó abugado... -Alám ko na ang sasabihin mo!-ang isinambot ng dalaga. Kung sa akin ang titulo ay walang kabagayán. Sukat ang maging si Delfin kang walang maliw, upang masiyahan na ang loob ko nang lubós na lubós hanggang sa mamatay. Tikis na ngå lamang ang tatay ko! Nguni't ano ang magagawa niya kung talaga ko nang ibig? Ngayon lamang, nároroón silá at ako'y naririto sa iyó: ikaw naman ang aking tatay... ang aking panginoón... ang aking... -Anó? -Ang aking... Delfin! Isáng piping salitâ, nguni't matunóg at pasulat sa mayuming babȧ ni Meni ang tanging naitugón ng binatà. -Halá, magsamantala ka, Delfin!-ang nábigkas nang buong giliw ng binibini. Dátapwa... naáalaala mo ang pagkalimot ko sa iyó, at ang pagtalikód mo sa akin, hindi? -Oh, Delfin! -Meni, níniyák ka ba? Hindi dapat ihalo sa mga sandaling itó ang luha. -Nágugunitâ ko naman na bakâ ang kadilimang ito ng gabi na sa ati'y nagbabantay, ay siyáng maging kapanglawan ko bukas, o mámayâ ring ako'y iyó nang malisan! -Sa aki'y di magbubuhat ang kapanglawang iyán, sumpa ko! -Sa akin ma'y hindi, sumpâ ko rin! -Kung gayon ay huwag mong sayangin ang luhang iyán: gamitin mo kung nábuburol na ang bangkay ko... Ang mabangóng panyo ni Delfin ay siyang nagpatuloy na kumaú- kausap at umamú-amò sa mga mata at pisngi ng kanyang irog. Nápakababang luha! Sa bisa ng galak o sa pait ng gunamgunam, ang mga luhang yao'y maaaring iukol. Hindi ang lungkot lamang ang ikináiiyák: ang kagalakan man kung minsan. Samantala, ang pagkalimot nila sa mga iba pang bagay na sukat pag-usapan gaya ng mga nangyari sa Antipulo at ng mga nangyari sa Maynilà, nang siná Meni'y maiwán doón at si Delfin ay umuwi rito ay maanong napukaw ng isá man lamang salita sa gayong katamis na pag-uulayaw. Ang dilim ng gabi ang unang may kasalanan.. May isang karwaheng tumigil sa tapat ng pintuan. Isang lalaki't isang babae ang nabâ. Ang sinag ng dalawang ilaw na de-aceiteleno, sa biglang pagtigil, ay parang nagsabi kiná Delfin ng panggulat na: "Ano kayó riyán?" Ang kaniigán ng kanilang puso ay parang tinangáy ng limbas sa gayong pagbulaga ng ilaw. Kung sila'y di titinag sa lagay na yaón sa úpuan, bagamán nasa-silong ng glorieta, ay walang salang maaaninag ng dalawang nabâ kung masok na sa pintuan. Nagkubli kapwa sa isang panig na masukal ng glorieta: lumigtas sa tamà ng mga liwayway. Mulâ roón, katulad ng mga moro sa Magindanáw kung nangagkukubli sa kabaka, ay sinilip at pinakábalalayan ang gawi ng lakad ng dalawang nanasok sampun ng mga pagwasiwas ng ilaw. Sino iyón? sino silá?-ang ánasan ng dalawang nagtatago. Si Meni ang unang nakakilala. -Ahá...! si Don Filemon-anya-at si Nora Loleng! -Sa ganitong oras, mahigit nang ikasiyam ng gabi?-aní Delfing nagtataká. -Madalás siláng pumarito nang ganyang oras. Sakâ marahil galing sila sa fábrica at ang tatay ko'y babalitaan. Tila raw ang welga kangina'y napayapà na. Ang mag-asawang nasok ay nangagtuloy sa hagdanan, na walang pangi-pangiming para rin ng sa sariling bahay. Walang salang ako'y háhanapin sa itaas ang náwikà ni Meni. -Hindi, hintay ka! bayaan natin silang magtawág, kunwa ikaw ay nasa-kuwarto na't natutulog. -Abá, kita akó nilá nang manaog! At ang pagpanhik ko? -Kung gayon ay manguha muna tayo ng ilang sampagita, at nang mádahilán mo sa pag-akyat. Siya ngang ginawa ng dalawá. Ang mga panganib sa sinag ng ilaw ng karwahe ay di inalumana, makakuha lamang ng kaunting bulaklak na madádahilán. Paano ang paglabas mo?-ang samantala'y nasabi ng dalaga. -Bahala na, kung pasásamahan mo ako sa iyong alaala. At pagkakuwán," ang dalawang dibdib nilang walang kabúsagan sa pagbibigayan at tanggapan ng ligaya, ay pinapag-isang tibók muna bago nagkahiwalay. Datnan ni Nora Loleng sa gayong oras ng gabi at sa bahay ni Don Ramon ang mag-inang taga-San Miguel, itó ang tinatawag ng mga kastilang el acabóse! itó ang oras mo na! sa bantog na prayleng si P. Mariano Gil, nagkura sa Tundo. -Abáaah! ang pagkapanhik sa hagdan at pagkábungad sa salas ay nasabi ng Nora. Marami palá kayóng bisita, Ramon, Talia... Parang nátamaan ng kidlat ang mag-iná, pagkákita at pagkáriníg sa dumating. Ibig nang sumagot ng dalagang taga-San Miguel, si Julita ang kanyang palayaw na: "Oo nga, kami ang bisita, anó mayroon sa iyo?" nguni't napigil nang makitang may ibang taong kasunod, na nákilala nilang si Don Filemon. Si Don Ramon ay natitigilan, at nápamatá na lamang kay Nora Loleng. Ang naunang nakapagsabi ng: "Magtuloy kayo!" ay si Talia, saka nagtindigan silá ni Yoyong, upang makikamáy sa mag-asawa. -Anó, Filemon?-ang pagkakuwa'y usisà ni Don Ramon sa kanyang kaibigan. Kangina pa kitá inaantay, at ibig kong bago mag- umaga ay malaman ang pinangyarihan ng inyong usap ng mga nagwelga. Umupo kayong mag-asawa. Nakiumpok si Don Filemon sa pagkakabukód ng kanyang kasamá at ng mag-iná ni Julita sa isang panig ng salas, tabing dúrungawan, at si Nora Loleng na halos na'y maduling sa káiirap sa mag-iná at káhahagis ng masamáng tingin kay Don Ramon, ay hindi roon nakiumpok, kundi ang nilapita'y ang nálalayong dalawa, si Talia at si Yoyong, sa kabilang dako naman ng salas. Sa paglapit na ang mata'y kung násaán, ay nasagasà tuloy ang isáng lúraang losa, kaya't sa hindi i oras ay pinapaglinis ang mga alila sa bahay ng mga nasabog na karumhan sa tabla. -Puch!...puéh!-ang mapabintana at mapasalikod ng uupán ay madalás ipagpahalatâ ni Nora Loleng ng kanyang suklam. Hindi pa nag-iinit ang likod ni Don Filemon sa sandalan, ang mag-iná ay nagtindigan at nagpaalam na kapwa. -Kami'y aalis na-ang salita ng iná ni Julita-kaya di kami mápana-panaog, ay sa pag-aantay ngå ng makakahalili sa amin; ngayong mayroón na kaming kahalili, kami'y magpapaalam na namán.... -Aalis na ba kayo?-ang tanungan ng isa't isá, máliban si Nora Loleng na tumalikod pa mandi't sumungaw sa bintana, bago nanlurâ ng isang pagkalakas-lakás, na anupa't ang pagkatulingág lamang ng isáng Don Filemon ang di sukat makahalatang yao'y may malubha nang kahulugan. Si Talia at ang kasintahang abugado, sa pagkakalapit ay nakapagkálabitang, ibig mandin nilang sabihing: "Pag nagkátao'y nagkaroon dito ng combate dahil sa tatay!" Kay Talia ay hindi na kailang si Nora Loleng ay mayka- pangyarihan, nguni't lihim lamang na manibugho sa kanyang ama. Sa Abugado Honorio ay gayón din namán. Anupá't si Don Filemon lamang ang tatanga-tangá roón, at walang kamalak-malák, na sa ulo'y nalálaglagan ng dahon ng kawayan. Sa sarili naman ni Nora Loleng ay totoong hindi niyá madalumat na maging ang mag-iná pang yaón ang pumanhik ng ligaw sa di niya maibibigay na Don Ramon. Ang sinabi ni Talia na kaya nagsiparoón ang nasabing mag-iná, nang gabing yaón, ay salubong lamang sa kanilang panggagaling sa Antipulo, ay di nakapayapà muntî man sa ngitngit ng asawa ni Don Filemon. -Sabihin na lamang ninyo kay Meni-ang nang papanaog na sa hagdan ay bilin ni Julita-na kami'y umalis nang natutulog na siya. -Si Meni-ang wikà ni Don Ramon-ay hindi pa natutulog, nakita kong nanaog sa lupà. At sinundan ng dalawang tawag ang anak na wala. -Po! Narini akó, Tatay, kausap, ko siná Berang!-ang mula sa lupa'y itinugón ni Meni. Si Berang ay siyang asawa ng kutsero. Nananhik si Mening may balutan ng sampagita sa kamay at nananaog naman ang mag-iná, nang sila'y magkasalubong sa hagdanan. -Aalis na ba kayo? -Oo, Meni: mayroon na rin lamang kaming kahaliling isáng reina-reinahan?-anáng iná ni Julita. Si Meni'y napatawa na lamang. -May-araw ring mapapasaing sa amin ang tia mong iyán!— ani Julita. -Abá!-ang pagitlang náisagot ni Meni-baka kayó marinig ni Don Filemon! -Eh kung marinig ba?.... Sa pag-aalaala ni Mening baka lumubhâ pa ang mga pag- paparinig, ay siyá na ang kusang nag-abót ng kamay sa nagsisipanaog. Sa gayon, ay natuluyan na ang pag-alis ng mag-iná. ndpvh4a8x1tf39napkcs9m6aaxhe464 21792 21790 2026-04-18T09:51:48Z Flubertt 364 21792 wikitext text/x-wiki <big>V</big> <big>Magnanakaw....!</big> -Diyán ka tumayo, sa tapát ng dungawang iyán! Dumahák ka o kaya'y mag-ubú-ubuhan, yaong ang tinig mo'y huwag bagáng mákilala ng ibá, nguni't makilala niya. Siya'y susungaw; kung mapagsiyá ka na, ay asahan mo't pápanaog dito sa pintuan, magkakausap kayó. Ganitó ang aming pinagkásalitaan kangina. -Dito na ba? at ngayong oras nang ito? -Oo; mag-ingat ka lamang sa nangagdaraang tao, lalo na sa pulís. -Kung hindi akó máramdamán o mátanáw? - Máraramdamán. Nakahapon na kami. Lahát silá halos ay nasa salas, pati ng mga panauhin. Siyá lamang ang walang salang nasa kuwarto na't nag-aantay ng anó mang kaluskos o hudyat sa may bintanà. Mag-iikawalóng oras na't kalahati. Sa anó't anó ma'y ako na bahalà sa itaás. -Makapanaog kayang mag-isá sa ganitong oras? -Hindi ngángayon lamang siya mananaog. -At sino ang ibá pa niyáng pinápanaog? Nápatawa nang impit ang isá. Sa tanong na ito'y napagkilala pa niya ang talagang pagka-mapánibughuin ng kausap. -Huwag kang mag-alaala: walang ano pa man. Sa lahat nang nákita kong gumigiri-giri kay Meni, ay walang nakapangangahás nitong magagawa mo ngayon. Kilalanin mo't hindi, ang iyong ipagkakapalad ngayong gabi, ay utang mo sa akin. -Ay bakit siyá wikà mo, madalas ditong nananaog kahit gabi? -Bihirang di may-kasama. Karaniwa'y pagkagaling nila sa Night School ay napáparito sa hálamanán at nangunguha ng sampagita: pag di nakagawa ng kuwintas sa hapon, ay gumagawa bago matulog, at naglalagay pa sa ilalim ng unan, lalo na noong tag- init na di, raw silá mápagkatulog. -Hindi kaya siyá samahan ng alilà? -Siya ang masusunod. Yao'y makabababa sa silong: makapagyayao't dito sa pintuan, at makalalabas pa riyán sa daan kahit mag-isá. -Sinu-sino ang tao sa salas? -Nároón ang mag-inang taga-San Miguel at si Abugado Madlang-layon. Dito nagsihapon, at nag-uusap sila-silá niná Tiyó Ramon at ni Talia. Hindi mo ba náuulinig ang tawanan? Oo, ngå, kangina pa. At ang mag-asawa ng kapatid na lalaki niná Meni? -Nasa "comedor:" ang kanilang anak ang nilalaro. -Kung gayon ay paano? -liwán na kitá rito: ako'y doón lalagay sa hagdanan, siyáng makikiramdam sa itaas at kung anó't anó ay akó ang masasabing kasama o kausap niya sa pangunguha ng mga bulaklak. Tuluy-tuloy na pumasok ang nagpaalám hanggang sa nawala sa silong ng bahay. Ang pinagpaalamá'y naiwan sa pagkakatayo, na natitigilan pa mandin sa pagsisimula ng isang inaakalang gawin. Ang dalawang nag-usap na iyo'y dili iba't ang magkaibigang si Felipe at si Delfin. Sa kanilang mga pinag-usapan, sa kanilang mga ánasan at sa pakubli-kubling pagtayo sa madilim, ay mapaghuhulò nang ang tiyapan nilang yaón, ay susundan pa ng isang tiyapan ding lalong maligaya. Hindi pa nag-iibang araw. Noo'y kagabihán din nang pagdating niná Don Ramon mulâ sa Antipulo. Nang umaga rin niyón nátanggap ni Delfin ang sulat ni Meni. Nang tanghaung umuwi si Felipe sa bahay upang kumain, ay inihatid nitó ang pasabi ng katotong sinulatan, na hindi sa sulat ibig ipahayag ang kanyang sagót, kundi sa isang niig na sálitaan. Ang salitaang ito'y tinanguán ni Meni pagkabalità, at nagkayari silang kawaló't kalahati ng gabi mananaog sa hálamanán, pagkáramdam sa ubó ni Delfin, upang sa mga rehas ng bakod sa daán, ay mangyari ang kanilang pag-uusap. Ang lahat ay napagkayarian sa mabuting pagpaparaán ni Felipe. Makálawá, makáitlong nakapagbalik-balik si Delfin, parang masiyasip na sinusukat sa hakbang ang kahabaang yaón ng bangketa ng bahay ni Don Ramon. Ubóng mahinà, malakas-lakás....dahák na iláng sunód.... ubó at dahák nang makasaíd-laway... ang inaabatang sumungaw ay di pa rin namamataan. Bakit? ano ang nangyayari? Pinaglaruan kaya siya ng kaibigan?... Tumigil sa may bungad ng pinto.... Lumingon sa likod at baka may pulís o ibang taong sa kanyang pag-abat ay umaabat namán. Sumilip hanggang káloob-looban ng silong na abot-matá. Ni anino ni Meni, ni anino ni Felipe, maanong nabanaagan. Samantala ay dinig niyá hanggang doon ang mga alingawngaw ng sálitaa't tawanan sa itaas ng bahay... Ang tinig ni Meni ay waring náuulinigan din sa pakikitawa. Iniwan ang pintuan; isáng yao't dito pa at tumayo na sa pinakalikô ng daán, na sulok din naman at likô ng bakod na padér at rehas ng hálamanán. Mulâ roo'y ipinasakop nang buô sa kanyang matá ang gayong kalaking bahay na kanyang tinátapatán. Kung nagtatampo man ang buwan sa gabing yaón, sa itaas at silong, sa loob at labás ng bahay ay mailaw namán. Hindi si Don Ramon ang makapagtitipid sa luseléktrika. Kung ang sa pintuang malaki ay hindi násindihan nang gabing yaón, ay sapagka't si Felipe ang may kagagawán. Disin si Delfin ay di makalalayà roón ng pag-aabang. Hindi malapit na di namán malayò sa daan ang tayo ng nasabing bahay. Bakod ngâ lamang at isang halamanang makitid, nguni't mahaba at paligid, ang sa harap ay nakapagitan. Dalawa ang pinakamukha ng bahay, tig-isá't paayón sa dalawang panig ng lansangang paliko at makipot. Ang bahay ay bagung-bago, kung di sa yari ay sa pinta man lamang. Malakí, nguni't di namán mákakasinlaki na ng lalong pinakamahalagang bahay niyang páupahán. Siin, kahoy, bató gaya ng karaniwang bahay sa Maynilà nang nangángalahati ang siglong nagdaan. Kung sa ganda at kisig, ang tahanan ni Don Ramon ay walang gaanong katangian. Sa buong pagkátayo ni Delfin, bagamán sa guniguní niya'y isa- isá halos na sumagi ang anyo ng lahát nang kuwarto at kasuluk-sulukan, ang loob at labás, ang salas, ang mga hihigán, ang mga uupán, ang lahát ng lugál at lamán ng bahay, ang tanang taong doo'y natitirá at ang mga dalaw, alilà at panginoón,.... anupá't ang lahát nang inaakalà niyáng sa mga sandaling yao'y sukat károonán ni Mening di na pumaná-panaog; dátapwâ, ang lalong napag-iitingang pagharian ng kanyang mga mata, ay ang buong harapán ng bahay, ang mula sa itaás na bintanang pangakong súsungawan, hanggang sa katapát na hálamanán at sa lahát ng siwang ng mga rehas na bakal. Dito, ang anino man yata ng káliít-liitang lamók, ay di nakaligtas sa kanyang matang nakalilimot na halos sa pagkisáp. Si Felipe, saán nároón? anó't hindi nabábalisa sa gayong katagál na ng pag-aantayan? Parang náulinig ang ganitong mga tanong sa sariling loob, si Felipe ay kátaón namán at walang anu-ano nga'y sa súsulpot. -Hintay ka, kaibigan, huwag kang mainip, at siya'y hindi nakaraan sa salas dahil sa mga tao roón. Mula sa gitna ng hagdanan siya'y tinatanaw ko nang papalabas na sa kuwarto at paumat-umat na ibig magdaán; nápataón sa isáng táwanan ni Talia at ni Yoyong na pati siya'y natawag at napagsabihan ng dahil ng pagkakatawanan. -Hindi pa dumurungaw-ang pakli ni Delfin. -Hindi pa?... Nguni't náramdaman ka na niyón: sa tingin ko'y talaga siyang papanaóg na, napigil ngå lamang. Sandali pa! At muling nasok si Felipe, at ang isa'y iniwan na naman. -Tila nananaog na!-ang sa sarili'y náwikà ni Delfin nang makasandali. May narinig na yabág sa hagdanan. Hindi nagkabula ang kanyang "tila." Parang kabilugan ng buwang nakapulás sa makapál na alapaap, si Meni ay unti-unting namanaag sa may hagdanan. Buóng ningning, buóng ganda, buong luwalhati ng áasam-asám na matá at pusò ni Delfin! Ang sikat ni Benus sa dibdib ni Kupido! Ang paták ng ulán sa uhaw na lupà! Ang lunas ng pag-asa sa lason ng pagkainip!... -Ipéng, Ipéng!... Si Meni ang tumatawag sa silong. Lumingap-lingap, at pagkahagis ng isáng tanáw sa may-pintuang malakí, ay lumapit sa pinto naman ng isang anaki'y yungib sa ilalim ng hagdanan. Ang tila yungib na ito ay siyáng tahanan ng mag-asawang kutsero ni Don Ramon. -Ciriacoo....! -Walâ pô rito ang tugon ng nasa-loób na isang babaing nagpapatulog ng pásusuhin niyang sanggol. Ang babaing ito'y siyang asawa ng kutsero. -Nasa-kabalyerisa pô at nagpapakain ng palay-ang idinugtong pa ng babae, na ang kanyang tinig, bagaman marahan lamang, ay umaalingawngaw sa loob ng gayóng lunggá ng tao, katulad ng alingawngaw ng mga himutók ng isang napipiít sa kalaboso. -Si Felipe? náriyán ba o náritó sa kanyang kuwarto? -Náritó akó ang paanás na tugón ni Felipe. Ito nga'y nasasa-loób din ng lunggang yaón; kaiiwan pa ni Ciriaco at talagang ang pinag-uusapan nila'y ang mangyayari sa gabing iyon sa dalawang magkasintahan. Sa mag-asawang kutsero ay di na kaila ang lahát at lahat. Mapa kay Delfin at mapa kay Meni, ay di na míminsang sila ma'y nakakapagdala ng mga iniuutos sa kanilang sulat. -Ipéng, samahan mo akong manguha ng sampagita. -Oo, kung iyan lamang. Ang dalawa'y lumabas sa silong; napatungong nangunguna sa pintuan si Felipe, at si Meni ay lumihis sa dakong kaliwa ng halamanán. -Baka pumasok pa siya?-ang bilin muna ng dalaga. -Ay anó?-anf Felipe. -Huwág! dito ako sa loob at siya'y sa labás na lamang; sa mga siwang ng rehas kami mag-uusap, kung anuman ang ibig niyang sabihin. Tumikím si Felipe. Ang nasa-labás ay sumagid naman sa may pintó at tinungo ang tapát ng bakod na kinároroonán ni Meni. -Diyan ka na- ang ibinulóng muna ni Felipe sa dalaga- napasama ka sa akin dito at wikà mo ikaw'y nag-fisá ngayong may kasama ka na, ako'y aalis namán. At yumaon na ngang sa sarili ay ibinubulóng: -Hindi na sampagita lamang ang makukuha mo riyán!... -Meni? -Delfin! -Asa ko'y titiisin mo na akong magdamagin dito! -Paano, hindi ako makapana-panaog, maraming tao sa salas. Kangina ka pa ba? -Oh!... kagabi pa! -Palalò! Nátanáw ngâ kitá mulâ sa bintanang iyon!... -Di na katá nákita! -Malabò ang matá mo!... Anó iyón? mayroon ka ngâ bang sásabihin? -Ay Meni!... mayroón, marami, mahahalagá, malulungkot kung iyong palulungkutín, masasayá kung iyong pasásayahin! -Anó iyón? sabi nang madali at baka...! -Papasok muna akó riyán. -Abá, huwág! -Lumabás ka sa may-pintuan. -Ah, ayoko! -Masamáng lalò itóng anyo natin! Bakâ may tao o may pulis na máparaan dito... -Kaya madali ka. -Mahaba ang aking sasabihin. -Abá!.. -Papaano, Meni, anó ang malay ko, kung ngayon na lamang katá mákakapulong! -Hindi... -Ah, papasok akó riyán. Mabuti riyán sa hálamanán ninyo at makakaupo tayo. At pagkasabi nito'y hindi na nag-antay ng hali o huwag pa ni Meni, at tuluy-tuloy na itinulak ang pintuang bakal na bukás nang gagadangkal lamang. Nasok, at ang dalagang nanlalamig sa sindak ay nilapitan nang buong giliw. Ang langit namán noo'y walang ipinakikitang aliw sa sungit ng lupa, kundi ang ilang nag-andap-andap na mga bituin. Ang buwán, na dapat sanang pakitang gasuklay na, ay patuloy pa rin sa pagtatampo; nagpapabayà nang ang malamig na simoy ng hangin at ang mapanglaw na itim ng gabi ay siyang magwagi sa kalupaán. Sa lansangang yaón ng Santa Cruz ay walang luseléktrika, nguni't may mga dulong- liwayway na umaabot sa tapát ng bahay ni Don Ramon, galing sa kabilang daán. At ang ilang puno ng koles, ilang-ilang, sampaka, gumamela, kamuning, niyog na nagtataasan, bukód ang malalagong mga baging ng granadina na naggapang at nagpulupot sa halos buong mga rehas, ay siyang lalò pang nagpapakubli at nagpapalamlam sa kaunting liwanag ng ilaw na buhat sa ilang bukás na bintana at sa may hagdanan sa silong, ay lumiliwayway nang bahagya sa hálamanán. Dito'y may mga sadyang ilaw rin, nguni't pawȧ noong mga patay. -Nakú, si Delfin!... sukat kang pumasok!-ang nanginginig na sabi ng binibini.-Bakâ mày makákita sa iyó rito!... -Dito'y mayroon akong mapangungublihan, di gaya sa labás na dáanan; dito ako'y lalong mapalad, kaysa kung sa ati'y may mga rehas na pagitan; dito ko masusubok nang totohanan kung si Meni ay talaga ko nang maaasahan o hindi pa; dito, oh Meni!, dito ko ibig marinig ang isang salitâ mo, isang salitâ lamang na katumbas na ng aking buhay...! Kung ang batis na yaón sa Antipulo ay di pa naging dapat na sumaksi at magpatamó ng lubós kong kaligayahan, itó nang hálamanán mo rin ang akin ngayong inaasahan...! -Delfin, alalahanin mo ang galit sa iyo ng aking tatay! -Naáalaala ko. Hindi ko malilimot kailanman, gaya ng di pagkalimot sa iyo. Sa pag-aalaala ko niyón, kaya namithi ang ikaw'y dito kausapin. -Si Delfin nama'y parang di nakatatalós na malaking ka- pangahasan na itong ginawa ko sa mga ganitong oras! Pumasok ka pa!... Nanlalamig ako!.... -Huwag kang matakot: higit kailanma'y ngayón máipakikita sa akin ang tunay mong pagdamay sa dinaramdam ko! -Halá,... magsabi na, ano ang ibig mong sabihin sa akin? -Ang ibig kong sabihin?... Di mo pa ba nahuhulaan? -Akó ba'y manghuhula? -Sa lamán lamang ng aking pusò manghuhula ka...! Madilim nga ang gabi. Ang hálamaná'y kubli pa at malilim. Dátapwâ, sukat sa isá niláng tinginang sumunod sa gayong tanong ni Delfin, ang mga balintatáw nila'y labis pang naging tanglaw upang magkábasahán sa mukha ng kapwà pag-irog na walang kamatayan. -Oo!...-ang sagot na bahagya nang namulás sa matamis na labi ng binibini. -Anong oo?-ang masiglang habol ng binatà.-Iyán na ba ang sagót mong hinihingi ko? -Oo...! -Meni ko! Sa kasasalán ng tibók ng pusò, sa kasidhián ng samyo ng gayong walang kasintamis na sagót, ay nahawakang biglâ ni Delfin ang kanang kamáy ng kanyang irog. Pinisil, inakmaáng hagkan ang palad, nguni't biglang ipinitlag ng dalaga. Huwág! anya-anó ang gagawin mo? -Lálagdaán ko ng pasasalamat!-ang sa buong giliw ay tugón ng binată. -Ang kamay ko? -Ah... ang pisngi mo!-at umakmang tupdin ang sinasalita. Nguni't di nangyari. Naagapang palisin ni Meni ang kamay niyang isinapupo sa garing nitong baba at pisngi. -Huwag kang malikót sana!-ang samò. -Pabayaan mo, oh Meni ko!, na aking ibulong sa iyong pisngi at mga labi ang mataós kong pasasalamat...! -Sa ibang araw na. -Si Meni namán!-at sa isáng kisáp-matá'y tinupad ang kanyang nápauntol na akma. -Magnanakaw! Hindi kailangan: hindi ko namán loób iyán! Magnanakaw ka! -Meni! -Anó sa akin: nakaw lamang sa pagkakálingát ko! Ang binata'y natigilan sa ganitong pagpapawalang halaga. Siyá nga naman! Ano ang kasaysayang nasamyo man ang gayong bangó, kung patay na loob ang sinamyuán? Nagsisi. Nguni't sayang na mga sandali iyón...! Oh, buhay ko! diyata't pinapalibhasa mo ang isang ginawa ko dahil sa pag-ibig natin lamang? -Mangyari'y hindi ko loób. -Kung gayo'y antay ko ang iyong kalooban! -Anó pa ang kailangan, Delfin? -Bah! parang ikátutulog ko ang masabi-sabi mong kundi pa panakaw ay di.... -Hindi na; hindi ko na iyán sásabihin, kailanman!-ang isinambot na matamis ng dalaga. -Ah, ayoko namán! Ang ibig ko ngayon ay isá mong tunay na kalooban. -Sa ibang araw na! -Ngayon na rin! -Papaano? -Ibubulong ko riyán nang matunóg, nguni't pipi ang aking pasasalamat; at ang oo mo'y isulat namán dini ng iyong mga labi, katunayan ng iisá tang puso't kaluluwá. Una muna ang mga matá, bago mga labi't pisngi ng isa't isa ang nag-usap. Anóng tamis na pag-uusap!. -Anó pang pag-asa ang iyong ibig?-ang pagkasandali'y namutawi sa bibig ng binibini. -Mayroon pa: lalong mahalaga: kailangang malaman ko ang pasya mo. Sásabihin ko sa iyó ngayón din, nguni't huwag dito; tayna roon sa luklukan ng glorieta at nang ang mga anino nati'y hindi mábadhâ sa mga sinag ng ilaw dito. Ang halamanáng yao'y hindi pitasan lamang ng mababangó at magagandang bulakiak, kundi páraanán din naman ng mga kaaya- ayang sandali. Sa gitna-gitná, tukól sa isang sulok ng bahay, ay may isáng marikit na glorieta, kaugalian na sa maraming hálamanán sa Pilipinas; yaring pulós na kawayan: mga patpat na pinagsabat-sabát at binalantok; sinadyaán sa ilang haligi at hubog na mga kaluskos at sari-saring palamuti; pinintahán pa ng kulay-dahon, sakâ pinatungan ng mga sala-saláng kawad, mula sa ibabâ hanggang sa taluktok na tila taklob-bubóng ng sabungán; bago pinagapangan sa malalagóng baging ng aurora. Sa silong ng glorieta na may apat na pintong lágusan, katugón sa itaas ng apat na balag namang pahubóg din at ginágapangan ng tinurang mga baging at ng mga kasalít na rosas de pasión, ay may apat na luklukang nakapaligid sa isang lamesang mar-nol sa gitnâ, at ang nangásabing bangko ay anyong silyang kahoy na may sandalan. Nilisan ng dalawang magkasi ang lugál na kinatatayuan. Sapupo ng kanang kamay ni Delfin ang baywang-hantik ng binibini, at pigil ng kaliwa ang kaliwa ring palad nitó, na parang sutlà sa lambot at kakinisan, samantalang ang kanang kamay niyang hindi pigil, ang nagiging tagatanggol ng hiya at kahinhinán sa mapupusók na akmá at mapagpanganib na kilos ni Delfin... Sila sa gayon, ay dalawang artista manding nanggagaling sa loob o likod ng tabing at magkaakbay na lumalabas sa tanghalan ng dúlaan. May mga puno ng sampagita at kampupot na kinababalakirán; may mga sangá ng kamuning na niyúyukuán sa paglakad, may dama de nocheng humáhalimuyak ng masangsang, may mga pasô ng alfonso, conde de Paris, rosas de té, de naranja, de libra, margarita, pitimini, malva-rosa, at kung anu-anó pang halamang-Singgalong, na may sari-saring pangalang binyag ng mga maghahalamán,... ang lahát nang ito, na sa magkabilang panig ng landas ay nangátatanim at naghahalimuyakan, ay waring mga kawal na náhahanay doon at nagpapagaraán ng ayos habang ang mga hari nila'y nagdaraan. Nguni't ang mga kabánguhang yaón sumagi ma'y anó pa sa pangamóy at gunita ng magkasintahan. May isáng di karaniwang bangó siláng sinasamyo at inaasám na mápupog nang wala nang bitiw hanggang kamatayan: ang bangó ng Pag-ibig, ang tamis ng Sumpaan. Pagdating sa hanay ng mga bangko ay nupo ang dalawa na anaki'y namamalikmata kapwà. Parang wala nang ibang tao sa lupà kundi silá lamang! -Ngayon, ang mabining mungkahi ng dalaga-sabi na kung anó pa ang iyong sasabihin! -Oh, aking langit! ibig kong ikaw'y aking máilipád ngayon sa himpapawid; doón tayo magbahay at nang masarili natin ang ligaya! -Sa himpapawid?... -Ibig kong tayo na lamang ang mátirá sa ibabaw ng lupà, nang walang makaabala sa ating kapanatagán. -Sana nga!... -Ibig kong mamatay na ako ngayon din sa kandungan mo, nang di na abutin niyaring buhay ang ipagbabago ng iyong loob sa akin. -Kung anu-ano ang sinasabi nitó...! -Náguguniguní ko, Meni, ang iyong paglimot. -Paglimot ko? ako? -Ah...! náiisip ko ang layò ng agwat ng ating buhay: ako'y dukhâ, ikaw ay mayaman. -Salát ka man sa salapi, sa magandang loob nama'y saganà. -Ang pulós na kagandahan ng loob ay di naipakikisamang mabuti sa yaman. -Mayaman ka pa sa isip, bukód diyán. -Itó pa nga ang lalong bumabakla sa loob ko na ikapopoót ninyo sa akin balang-araw. -At bakit, Delfin, bakit naman? -Ang amá mo lamang sa tanong na iyan ang makasasagot. -Sa akala ko namán, kung ikaw'y maging abugado, hindi mo na máikahihiya ang hingin ang kamay ko sa aking tatay. -Samakatwid hanggang hindi akó abugado... -Alám ko na ang sasabihin mo!-ang isinambot ng dalaga. Kung sa akin ang titulo ay walang kabagayán. Sukat ang maging si Delfin kang walang maliw, upang masiyahan na ang loob ko nang lubós na lubós hanggang sa mamatay. Tikis na ngå lamang ang tatay ko! Nguni't ano ang magagawa niya kung talaga ko nang ibig? Ngayon lamang, nároroón silá at ako'y naririto sa iyó: ikaw naman ang aking tatay... ang aking panginoón... ang aking... -Anó? -Ang aking... Delfin! Isáng piping salitâ, nguni't matunóg at pasulat sa mayuming babȧ ni Meni ang tanging naitugón ng binatà. -Halá, magsamantala ka, Delfin!-ang nábigkas nang buong giliw ng binibini. Dátapwa... naáalaala mo ang pagkalimot ko sa iyó, at ang pagtalikód mo sa akin, hindi? -Oh, Delfin! -Meni, níniyák ka ba? Hindi dapat ihalo sa mga sandaling itó ang luha. -Nágugunitâ ko naman na bakâ ang kadilimang ito ng gabi na sa ati'y nagbabantay, ay siyáng maging kapanglawan ko bukas, o mámayâ ring ako'y iyó nang malisan! -Sa aki'y di magbubuhat ang kapanglawang iyán, sumpa ko! -Sa akin ma'y hindi, sumpâ ko rin! -Kung gayon ay huwag mong sayangin ang luhang iyán: gamitin mo kung nábuburol na ang bangkay ko... Ang mabangóng panyo ni Delfin ay siyang nagpatuloy na kumaú- kausap at umamú-amò sa mga mata at pisngi ng kanyang irog. Nápakababang luha! Sa bisa ng galak o sa pait ng gunamgunam, ang mga luhang yao'y maaaring iukol. Hindi ang lungkot lamang ang ikináiiyák: ang kagalakan man kung minsan. Samantala, ang pagkalimot nila sa mga iba pang bagay na sukat pag-usapan gaya ng mga nangyari sa Antipulo at ng mga nangyari sa Maynilà, nang siná Meni'y maiwán doón at si Delfin ay umuwi rito ay maanong napukaw ng isá man lamang salita sa gayong katamis na pag-uulayaw. Ang dilim ng gabi ang unang may kasalanan.. May isang karwaheng tumigil sa tapat ng pintuan. Isang lalaki't isang babae ang nabâ. Ang sinag ng dalawang ilaw na de-aceiteleno, sa biglang pagtigil, ay parang nagsabi kiná Delfin ng panggulat na: "Ano kayó riyán?" Ang kaniigán ng kanilang puso ay parang tinangáy ng limbas sa gayong pagbulaga ng ilaw. Kung sila'y di titinag sa lagay na yaón sa úpuan, bagamán nasa-silong ng glorieta, ay walang salang maaaninag ng dalawang nabâ kung masok na sa pintuan. Nagkubli kapwa sa isang panig na masukal ng glorieta: lumigtas sa tamà ng mga liwayway. Mulâ roón, katulad ng mga moro sa Magindanáw kung nangagkukubli sa kabaka, ay sinilip at pinakábalalayan ang gawi ng lakad ng dalawang nanasok sampun ng mga pagwasiwas ng ilaw. Sino iyón? sino silá?-ang ánasan ng dalawang nagtatago. Si Meni ang unang nakakilala. -Ahá...! si Don Filemon-anya-at si Nora Loleng! -Sa ganitong oras, mahigit nang ikasiyam ng gabi?-aní Delfing nagtataká. -Madalás siláng pumarito nang ganyang oras. Sakâ marahil galing sila sa fábrica at ang tatay ko'y babalitaan. Tila raw ang welga kangina'y napayapà na. Ang mag-asawang nasok ay nangagtuloy sa hagdanan, na walang pangi-pangiming para rin ng sa sariling bahay. Walang salang ako'y háhanapin sa itaas ang náwikà ni Meni. -Hindi, hintay ka! bayaan natin silang magtawág, kunwa ikaw ay nasa-kuwarto na't natutulog. -Abá, kita akó nilá nang manaog! At ang pagpanhik ko? -Kung gayon ay manguha muna tayo ng ilang sampagita, at nang mádahilán mo sa pag-akyat. Siya ngang ginawa ng dalawá. Ang mga panganib sa sinag ng ilaw ng karwahe ay di inalumana, makakuha lamang ng kaunting bulaklak na madádahilán. Paano ang paglabas mo?-ang samantala'y nasabi ng dalaga. -Bahala na, kung pasásamahan mo ako sa iyong alaala. At pagkakuwán," ang dalawang dibdib nilang walang kabúsagan sa pagbibigayan at tanggapan ng ligaya, ay pinapag-isang tibók muna bago nagkahiwalay. Datnan ni Nora Loleng sa gayong oras ng gabi at sa bahay ni Don Ramon ang mag-inang taga-San Miguel, itó ang tinatawag ng mga kastilang el acabóse! itó ang oras mo na! sa bantog na prayleng si P. Mariano Gil, nagkura sa Tundo. -Abáaah! ang pagkapanhik sa hagdan at pagkábungad sa salas ay nasabi ng Nora. Marami palá kayóng bisita, Ramon, Talia... Parang nátamaan ng kidlat ang mag-iná, pagkákita at pagkáriníg sa dumating. Ibig nang sumagot ng dalagang taga-San Miguel, si Julita ang kanyang palayaw na: "Oo nga, kami ang bisita, anó mayroon sa iyo?" nguni't napigil nang makitang may ibang taong kasunod, na nákilala nilang si Don Filemon. Si Don Ramon ay natitigilan, at nápamatá na lamang kay Nora Loleng. Ang naunang nakapagsabi ng: "Magtuloy kayo!" ay si Talia, saka nagtindigan silá ni Yoyong, upang makikamáy sa mag-asawa. -Anó, Filemon?-ang pagkakuwa'y usisà ni Don Ramon sa kanyang kaibigan. Kangina pa kitá inaantay, at ibig kong bago mag- umaga ay malaman ang pinangyarihan ng inyong usap ng mga nagwelga. Umupo kayong mag-asawa. Nakiumpok si Don Filemon sa pagkakabukód ng kanyang kasamá at ng mag-iná ni Julita sa isang panig ng salas, tabing dúrungawan, at si Nora Loleng na halos na'y maduling sa káiirap sa mag-iná at káhahagis ng masamáng tingin kay Don Ramon, ay hindi roon nakiumpok, kundi ang nilapita'y ang nálalayong dalawa, si Talia at si Yoyong, sa kabilang dako naman ng salas. Sa paglapit na ang mata'y kung násaán, ay nasagasà tuloy ang isáng lúraang losa, kaya't sa hindi i oras ay pinapaglinis ang mga alila sa bahay ng mga nasabog na karumhan sa tabla. -Puch!...puéh!-ang mapabintana at mapasalikod ng uupán ay madalás ipagpahalatâ ni Nora Loleng ng kanyang suklam. Hindi pa nag-iinit ang likod ni Don Filemon sa sandalan, ang mag-iná ay nagtindigan at nagpaalam na kapwa. -Kami'y aalis na-ang salita ng iná ni Julita-kaya di kami mápana-panaog, ay sa pag-aantay ngå ng makakahalili sa amin; ngayong mayroón na kaming kahalili, kami'y magpapaalam na namán.... -Aalis na ba kayo?-ang tanungan ng isa't isá, máliban si Nora Loleng na tumalikod pa mandi't sumungaw sa bintana, bago nanlurâ ng isang pagkalakas-lakás, na anupa't ang pagkatulingág lamang ng isáng Don Filemon ang di sukat makahalatang yao'y may malubha nang kahulugan. Si Talia at ang kasintahang abugado, sa pagkakalapit ay nakapagkálabitang, ibig mandin nilang sabihing: "Pag nagkátao'y nagkaroon dito ng combate dahil sa tatay!" Kay Talia ay hindi na kailang si Nora Loleng ay mayka- pangyarihan, nguni't lihim lamang na manibugho sa kanyang ama. Sa Abugado Honorio ay gayón din namán. Anupá't si Don Filemon lamang ang tatanga-tangá roón, at walang kamalak-malák, na sa ulo'y nalálaglagan ng dahon ng kawayan. Sa sarili naman ni Nora Loleng ay totoong hindi niyá madalumat na maging ang mag-iná pang yaón ang pumanhik ng ligaw sa di niya maibibigay na Don Ramon. Ang sinabi ni Talia na kaya nagsiparoón ang nasabing mag-iná, nang gabing yaón, ay salubong lamang sa kanilang panggagaling sa Antipulo, ay di nakapayapà muntî man sa ngitngit ng asawa ni Don Filemon. -Sabihin na lamang ninyo kay Meni-ang nang papanaog na sa hagdan ay bilin ni Julita-na kami'y umalis nang natutulog na siya. -Si Meni-ang wikà ni Don Ramon-ay hindi pa natutulog, nakita kong nanaog sa lupà. At sinundan ng dalawang tawag ang anak na wala. -Po! Narini akó, Tatay, kausap, ko siná Berang!-ang mula sa lupa'y itinugón ni Meni. Si Berang ay siyang asawa ng kutsero. Nananhik si Mening may balutan ng sampagita sa kamay at nananaog naman ang mag-iná, nang sila'y magkasalubong sa hagdanan. -Aalis na ba kayo? -Oo, Meni: mayroon na rin lamang kaming kahaliling isáng reina-reinahan?-anáng iná ni Julita. Si Meni'y napatawa na lamang. -May-araw ring mapapasaing sa amin ang tia mong iyán!— ani Julita. -Abá!-ang pagitlang náisagot ni Meni-baka kayó marinig ni Don Filemon! -Eh kung marinig ba?.... Sa pag-aalaala ni Mening baka lumubhâ pa ang mga pag- paparinig, ay siyá na ang kusang nag-abót ng kamay sa nagsisipanaog. Sa gayon, ay natuluyan na ang pag-alis ng mag-iná. p4q7cdq3d8rldp6aaxyvjblticmij1m